Monday, April 11, 2022

Bone Marrow Soup


Every time we buy lots of meat at the market shop the owner always gives us 2 kilos of beef bones for free, today I made a bone marrow soup and it's so yummy.

Ingredients:
bone marrow
1 onion
water ( depends on how many servings you want to make)
chopped chili pepper
chopped spring onion
salt and pepper


Procedure:
1. Put the bones and onion in the pot and add enough water depending on how many servings you want to make. Then let it boil until it is cooked and the soup is already flavorful.

2. Season according to your taste, add some spring onion and chop chili, then ready to be served.


Friday, April 8, 2022

Sinabawang Imbao

Sa tanan mga amigo  ug amiga nako nga Bisaya kini para sa inyo kung familiar mo sa Imbao nga kinhason , perti jung lamia sa sabaw ani, as in jud.


Ingredeints:

1 kg imbao (shell)

2 cups tubig (pwede dungagan)

1 cup kamunggay

1 tali dahon sibuyas

luy-a  ug sibuyas sakto lang

asin


Procedure:

1. Ibutang sa caldero ang luy-a ug sibuyas, then tubig unya pabukalon

2. Inig bukal ilunod ang imbao, timplahan ug asin or kung naa pa kay gusto ibutang nga panimpla sama sa magic sarap or ginisa mix, its up to you.

3. Pabukalon hanftod maluto, then ibutang ang kamunggay ug dahon sibuyas, after 1 minute, patyon na ang kalayo ug ready na nga iserve.

Saturday, August 21, 2021

 

Subukan nyo ang Maja na ito par maiba naman at di ka magsisisi sa sarap! Napakadali pang gawin.

Ingredients:

1 cup corn starch
1 cup sweetened chocolate powder
1 box condensed milk (390g)
2 cups  coconut milk
1 cup evaporated or fresh milk
1 cup Nestle cream or any all purpose cream

Procedure:
1. Paghaluhaluin sacaldero ang lahat ng ingredients maliban sa chocolate powder, kapag nahalo ng maigi idagdag ang chocolate powder.
2. Haluing maigi hanggang sa malusaw ang chocolate powder.
3. Simulang lagyan ng apoy at haluing palagi  para di dumikit , ituloy ang paghahalo hanggang sa maluto.
4. Kapag luto na ilagay sa lagayan at palamigin sa refrigerator bago iserve. Para maintindihang lubos panoorin ang video.  


 

Tuesday, March 30, 2021

Ano Ang Mga Sustansyang Makukuha Sa Marang




Nakakain na po ba kayo ng marang? Ang marang ay isang uri ng prutas na katutubo sa Borneo, Palawan at Mindanao, ako bilang taga Mindanao (Davao) ang marang ay isa sa mga paborito kong prutas dahil sagana ito sa amin sa mga buwan ng Agosto hanggang Oktubre, kasabay ng mga rambutan, lansones, mangosteen at durian. Mas gusto ko ito kapag hindi sobra ang pagkahinog at malalaki ang laman katulad ng nasa larawan, mabango at masarap ang marang.
Artocarpus odoratissimus ang scientific name ng marang, bukod sa Pilipinas, mayroon ding marang sa Thailand, Malaysia, Brunei, Indonesia at sa ilang bahagi ng India.
Masustansya rin ang Marang, dahil bawat 100 gramo ng laman mayroon itong 17mg na calcium, 35mg ng phosphorus, 2,1 mg ng iron at 30mg ng Bitamina C.
Sa mga nakakain na ng marang ano ang masasabi nyo sa prutas na ito? Sa mga di pa nakakain, tikman nyo na po.

Sunday, March 14, 2021

Ensaladang Chinese Cabbage (Pechay Baguio)





Masarap at masustansya .Kapag fresh ang pechay Baguio ito ay malutong at malinamnam, kaya piliing maigi ang gagawing ensalada.

Mga sangkap
1/2 kilo pechay Baguio (hiniwa)
1 buo sibuyas ( hiniwa)
2 buo camatis (hiniwa)
2 kutsara katas ng kalamansi ( maaring dagdagan depende sa iyong panlasa)
asin ayon sa iyong panlasa
2 kutsara ng hiniwang parsley/ pwede rin dahon ng sibuyas
2 kutsara olive oil



Paraan ng Paghahanda:
1. Sa isang malaking mixing bowl ay pagsama-samahin ang mga sangkap at haluing maigi.
2. Timplahang maigi bago ihain kasama ng inihaw o pritong carne o isda.



Wednesday, July 29, 2020

Paano Lutuin Ang Tiyan Ng Bangus (Iwas Talsik Mantika)


Bumili ako ng 1 bangus na malaki, ang buntot at ulo ginawa kong paksiw at ang tiyan ay pinirito. Mmmmmm ang sarap!

Mga sangkap:
  • tiyan ng bangus
  • calamansi
  • harina
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng pagluluto:
  1. Pigaan ng calamansi ang tiyan ng bangus saka timplahan ng asin at paminta.
  2. Pagulungin sa harina para di sumabog at tumalsik ang mantika kapag pinirito, kapag mainit na ang mantika  ipirito ito  hanggang sa maluto.
  3. Ihain kasama ng kanin at sawsawan.

Thursday, May 28, 2020

Paano Gawin Ang Ensaladang Pinya



Nakatikim ka na ba ng salad na pinya? Kung hindi pa ay subukan mo ito. Napakadaling gawin at ang sarap pa.


Mga Sangkap:

1 piraso pinya (hiniwa)
1/2 tasa mayonaise
1/2 tasa pasas
1/2 tasa hiniwang ham
2 kutsara hiniwang dahon ng sibuyas
asin ayon sa iyong panlasa


Paraan  ng Paggawa:

1. Pagsamasamahin ang lahat ng mga sangkap at haluin maigi.
2. Ilagay sa isang mangkok at ihain.
O, di ba napakadali lang kabayan? Subukan mo na para masorpresa ang iyong pamilya.




Search This Blog