Saturday, March 14, 2020

Crispy Hipon



Maraming ng iba't ibang putahe ng hipon ang aking nagawa,  pero itong breaded shrimp or crispy hipon ang aking napakadalas lutuin, kapag may handaan dahil bukod sa madaling gawin ay masarap pa.

Mga sangkap
1 kilo hipon (wala ng balat at malinis na)
asin at paminta ayon sa iyong panlasa
2 kutsara katas ng calamansi
1 tasa harina
2 tasa Panko o breadcrumbs
1 itlog (binati hinaluan ng 1/2 tasa tubig)

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang hipon ng paminta, asin at kalamansi. Haluing maigi.
2. Isa-isang pagulungin sa harina at isawsaw sa itlog at pagulungin sa Panko o breadcrumbs ang hipon.




3. Prituhin hanggang sa maluto at ihain kasama ng paborito mong sawsawan.

Friday, March 13, 2020

Sinangag Na May Itlog Ng Pugo




Sa araw-araw hindi maiiwasang may tirang kanin o bahaw, minsan nauuwi na lang sa tapon dahil tumitigas na o napapanis, pero kung ibig nating walang masayang dapat gawan natin ng paraan paano sumarap ang bahaw. Ang pagsasangag ng kanin ay isa sa pinakakumon na paraan para maging masarap ang kaning lamig. May iba-t ibang mga sangkap na pwedeng ilagay sa sinangag, pero ito ang aking naisip ngayon, itlog ng pugo😃


Mga sangkap:
3 tasa bahaw o kaning lamig (hiwahiwalay na)
1 piraso carrot ( ginayat )
1 tasa green peas
2 butil ng bawang (dinikdik at pino)
12 piraso nilagang itlog ng pugo (wala ng balat)
asin ayon sa iyong panlasa
mantika

Paraan ng Pagluluto:

1. Igisa ang bawang at ilagay ang carrots, gisahin sa loob ng 1 minuto.
2. Ilagay ang kanin haluing madalas sa loob ng 5 minuto,timplahan ng asin at idagdag ang natitirang mga sangkap at ituloy ang pagluluto sa loob ng 2 minuto at haluing madalas upang hindi matutong.
3. Ihain kasama ng paborito mong ulam 😃

Thursday, March 12, 2020

Ginisang Carne Ng Baka




Maraming paraan paano lutuin ang karne ng baka, pero para sa akin madali lang lutuin yong igigisa mo lang sya sa sibuyas at toyo,masarap dahil  tuyo ang pagkakaluto.

Mga sangkap:

1/2 kilo karne ng baka(hiniwa)
3 butil ng bawang (dinikdik)
2 buong sibuyas (hiniwa)
3 kutsara toyo
asin ayon sa iyong panlasa
paminta durog ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto:

1. Igisa ang baka sa bawang saka haluing maigi hanggang sa maalis ang kulay pula ng karne.
2. Ilagay ang toyo at paminta, haluing maigi at timplahan ng asin kung kailangan, lutuin sa katamtamang init ng apoy hanggang sa lumambot. Pwedeng lagyan ng tubig kung medyo matigas ang karne, siguraduhin lang na matutuyo ito hanggang sa lumambot para hindi mawawala ang lasa.
3. Kapag malapit ng maluto ang karne ay lakasan ang apoy at ilagay ang sibuyas saka haluin madalas hanggang sa maluto ito.
4.Ihain kasama ang kanin.

Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

The best na part ng baka ang gamitin dito ay tenderloin para malambot.

Wednesday, March 11, 2020

Paano Gawin Ang Chicken Pop


Ang chicken pop ay madaling lutuin at tiyak magugustuhan ito ng mga mahal nyo sa buhay.

Mga sangkap:

1/2 kilo pitso ng manok (hiniwa)
1 tasa harina
1 tasa bread crumbs or panko
1 pirasong itlog
1/4 tasa tubig
asin ayon sa iyong panlasa
paminta durog ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto

1. Timplahang maigi ang manok ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.




2. Paghaluing maigi ang itlog at tubig, timplahan ng asin.
3. Ilagay ang mga hiniwang pitso ng manok sa harina, pagkatapos ay isawsaw sa pinaghalong itlog at tubig, patitisin, saka pagulungin sa breadcrumbs o Panko.

 4. Mag init ng mantika saka prituhin ang chicken pop.
5. Lutuin sa katamtamang init ng apoy siguraduhing maluto pati ang loob na bahagi ng chicken pop. Ihain kasama ng ketchup o kung anoman ang paborito ninyong sawsawan.


Tuesday, March 10, 2020

Paano Gawin Ang Macaroons


Kapag mga handaan na biglaan lang, itong macaroons ang naiisip ko kaagad para sa dessert dahil napakadali lang gawin. Sa recipe na ito ay sapat na ang 24 pirasong maliliit na paper cups.

Mga Sangkap:
100 Grams dessicated coconut
1 tasa gatas condensada
1 piraso itlog


Paraan ng Pagluluto:
1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at haluing maigi. Ilagay ang mixture sa paper cups.



 2. Painitin muna ang oven sa loob ng 10 minuto  sa temperaturang 180C. Pagkatapos nito ay ipasok ang macaroons at lutuin sa loob ng 10 minuto.

 3. Alisin sa oven at palamigin, pwede ng kainin o ibenta 😄

Monday, March 9, 2020

Paano Lutuin Ang Talaba


Isa sa pinakamasarap na lamang dagat ang talaba, malinamnam at sagana sa calcium at bitamina A, mababa din ang calories ng talaba. Sa Pilipinas mayroong talaba festival ang bayan ng Sibugay, Zamboanga  at Alaminos, Pangasinan. Mayroong iba't ibang paraan ng pagluluto nito gaya ng kilawin, ginisa, steamed, baked, inihaw, at marami pang iba. Ang ibabahagi ko ngayon ay kung paano ito i-bake.


Mga Sangkap:

10 piraso talaba
1 tasa cream cheese
1 1/2 tasa ginayat na keso
1 sibuyas hiniwa ng pino
2 kutsara carrots hiniwa ng pino
2 kutsara dahon ng sibuyas hiniwa ng pino


Paraan ng Pagluluto:

1. Maglagay ng 8 tasa ng tubig sa kaldero, kapag kumulo na ito ilagay ang talaba at pakuluan ng 5 minuto o hanggang sa maluto ito, karamihan sa talaba ay bumubuka kapag luto na. Kapag luto na ay hanguin ito at palamigin. Kapag malamig na ay buksan ito sa pamamagitan ng pag alis ng isang bahagi ng shell.



2. Sa pagawa ng palaman para sa talaba ay paghaluin ang 1/2 tasa ng keso, cream cheese, carrots, sibuyas at dahon ng sibuyas.

3. Gamitin ang natirang ginayat na keso pangbudbud sa ibawbaw ng napalamanang talaba.

4. Painitin ang oven sa 210 degrees celcius sa loob ng 10 minuto, pagkatapos nito ay ilagay ang talaba at lutuin sa loob ng 7 minuto, o hanggang sa maging maganda na ang kulay ng pagkaka-bake nito.

5.Ihain ng may ngiti sa iyong labi 😃.



Sunday, March 8, 2020

Paano Lutuin ang Fried Chicken



Ang Fried Chicken or piniritong manok ay isa sa mga pinakapopular na putahe ng manok, kahit may iba't ibang paraan ng pagluluto ang mga tao dito, may iba di na nilalagyan ng harina o breading, may iba naman sili powder at harina ang ginagawang coating ng fried chicken, pero kahit ano pa man ang sangkap, basta't sinabing fried chicken, patok talaga sa lahat.


Mga sangkap:
1 kilo manok (hiniwa)
2 kutsara katas ng calamnsi
asin at paminta (panimpla)
1 tasa harina
mantika na pagpipirituhan


Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ang manok ng kalamansi, asin at paminta. Haluing maigi.
2. Pagulungin sa harina at prituhin hanggang sa maluto.
3. Ihain kasama ng ketchup o anomang sawsawan na gusto mo.


Sa pagpipirito ng manok para hindi maging hilaw ang loob na bahagi, habang niluluto ito ay wag masyadong malakas ang apoy para unti-unting maluto ang loob at di pa sunog ang labas na bahagi, kapag malapit ng maluto saka lakasan ang apoy para magkaroon ng magandang kulay.


Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

Search This Blog