Friday, March 6, 2020

Paano Lutuin Ang Puso Ng Manok


Ang puso ng manok ay hindi gaanong binibigyan ng pansin, pero kung alam mo paano ito ihanda, masarap ang puso ng manok. Sa bansang Brasil isa ito sa mga parte ng manok na common gamitin bilang inihaw sa paraan nila na ang tawag ay "churrasco". Sa mga restaurant ay siniserve din ito sa mga a la cart. Ang paraan na maluto ito ng madali ay sa kawali. Pero kung may oras kayo pwede rin itong ilagay sa barbecue stick saka iihaw. Sa susunod ilalagay ko dito kung paano ang inihaw nito.

Mga sangkap:
1/2 kilo puso ng manok (malinis na)
2 buo sibuyas -hiniwa
asin ayon sa iyong panlasa
mantika

Paraan ng pagluluto:
1. Initin ang mantika, kapag mainit na ilagay ang puso ng manok, lakasan ang apoy at haluing madalas para pantay ang pagkakaluto, parang isasangag mo lang ang puso ng manok kaya maganda malakas ang apoy para hindi magtutubig, kapag half cooked na ay ilagay ang sibuyas at timplahan ng asin.
2. Ituloy ang pagsangag sa malakas na apoy hanggang maluto ito.
3. Ihain.

Wednesday, March 4, 2020

Vinegar Onion Dipping Sauce



Gumawa ako ng kwek-kwek today para snack namin ng mga friends ko, kaya gumawa din ako ng masarap na sawsawan. Ayaw ng kasama ko ng bawang kaya ito lang ang nakayanan :D
Mga sangkap:
  • 2 tasa vinegar
  • 1 sibuyas pula (hiniwa)
  • 2 sibuyas puti (hiniwa
  • 2 kutsara asukal
  • asin at paminta panimpla
Paraan ng Paggawa:
  1. Pagsamahin ang asukal at suka, haluing maigi hanggang sa matunaw ang asukal.
  2. Ilagay ang sibuyas at timplahan ng asin at paminta.
  3. Pwede na itong gawing sawsawang ng fishball, kwek-kwek at iba pa.
English Version
Ingredients:
  • 2 cups vinegar
  • 1 red onion (sliced)
  • 2 white onion (sliced)
  • 2 tablespoons sugar
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. Combine the sugar and vinegar, mix well until the sugar is fully dissolved.
  2. Add the onions and season with salt and pepper, stir well.
  3. This is ready to be used as a dipping sauce with your favorite food.
You can put chopped chili if you want it chili hot flavor.

Tuesday, March 3, 2020

How To Prepare Shrimp Omelette

I love cooking this because it is very economical and easy to cook yet so yummy :)

Ingredients for 2 servings:

200 grams shrimps (deshelled and cleaned)
4 pieces egg (beaten)
1 small onion (minced)
salt and pepper to taste

Procedure:
1. Saute the shrimps in onion then set aside.
2. Put salt and pepper in beaten eggs.
3. Heat a little oil in a pan , put the beaten egg.
4. Put the shrimps evenly then when it starts to cook, fold both sides towards the center to wrap the shrimp filling. 
5. Flip once and cook until done.
6. Serve and enjoy


Tuesday, January 7, 2020

Halo-halo Cake

This is a delicious cake layered with ube chiffon and halo-halo flavor toppings in butter frosting. Really yummy!
Thanks Arianne and Karen for making this.

Link for the Video of Halo-halo Cake 


DRY INGREDIENTS:
112g cake flour
2 g salt
3 g baking powder
100g sugar

WET MIXTURE:
4 pcs egg yolk
48g oil
112g water
1/2 tsp vanilla


MERINGUE MIXTURE:
4pcs egg white
48 g white sugar
1/2t tar2

Add: 3 Tablespoons ube powder

UBE CHIFFON CAKE:

1. Pre heat oven to 300 degrees Fahrenheit.
2. Combine all the dry ingredients except sugar and then sift for three times, add the sugar.
3. Add the wet ingredients in your dry ingredients. Use a whisk to mix them all together then set aside.
4. In a mixer bowl, beat your eggwhites then add cream of tartar until bubbly, once bubbly add in your white sugar gradually then mix until stiff peaks form.
5. Pour your batter in the meringue mixture then fold in to combine. Add the 3 tablespoons of ube powder, then fold in again to combine.
6. Pour your batter in an 8 inches round pan.
7. Tap for 3x to release bubbles.
8. Bake in preheated oven 

BUTTER FROSTING:

1 cup butter
1 cup heavy cream
1 cup white or powdered sugar

Procedure: In a mixer bowl, combine the 3 ingredients and mix until ingredients incorporates.

ASSEMBLING THE CAKE:

TOPPINGS:
Leche flan
Red kaong
Green kaong
Ube halaya
Macapuno
Sweetened saba
Procedure:
1.Coat your ube cake with the butter frosting.
2. Decorate with your desired piping techniques.
3. Top the halo-halo ingredients.
4. Ready to serve

Baked by: Karen and Arianne

Karen   
Arianne


Thursday, December 12, 2019

Ano ang Panko


Ang Panko ay isang uri ng Japanese breadcrumbs, binibigkas ito bilang "pangko" maputi at malalaki ang butil nito. Kapag ito ang ginamit na coating sa mga piniritong karne, lamang dagat at kahit gulay ay napapaganda nito ang  texture ng mga pinirito, mas maganda ito kaysa harina lang na coating. Malutong at hindi masyadong sumisipsip ng mantika.

Kahit sa Japan nag originate ang Panko, maiiconsider na rin itong common na sangkap sa mga lutong Pinoy na ulam lalo na kapag mga pinirito. Madaling mabili sa mga supermarkets. Isa ako sa mga humahanga sa Panko, kaya dito sa blog ko marami akong recipe na ginamitan ng Panko, sana magustuhan nyo.

Mga potahe na may Panko

Wednesday, December 11, 2019

Paano Gawing Perfect Ang Lechon sa Oven


Kitang kita sa larawang ito na kaakit akit ang balat ng baboy. Niluto ko lang ito sa oven, sa paraan na magiging malambot sya, yong sinasabi nila sa English na "it melts in your mouth" super crsipy ang balat pero super lambot ang karne, perfect!!!!

Mga sangkap:
2 kilo tiyan ng baboy
asin at paminta na panimpla


Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahang maigi ng paminta at asin ang karne.
2. Ilagay ang temperatura ng oven sa 130༌C at ipasok ang karne na nakalagay sa baking pan at lutuin ito sa loob ng 3 horas, oo 3 horas, siguradong malambot ito, yong matutunaw sa bibig mo kapag sinubo mo.😃
3. Pagkatapos ng 3 horas ilagay ang temperatura sa 200༌C at ituloy ang pagluluto sa loob ng 8-10 minuto o hanggang sa maging malutong ang balat tulad ng nasa larawan.


Ang oras at temperatura na nilagay ko dito ay base sa oven na gamit ko. Pakicheck na lang din kapag sinubukan nyo ito, kung hindi sapat ang 3 horas pwedeng iadjust  ang oras ng pagluluto hanggang sa maging perfect  ang finish product.

Sunday, December 8, 2019

Paano Lutuin ang Pakbet Tagalog




Ang pakbet Tagalog  ay isang putahe na binubuo ng iba't ibang masasarap na gulay tulad ng kalabasa, okra, sitaw at iba pa,kaya talagang masarap ang putaheng ito.  Ang pakbet tagalog ay may kalabasa pero ang original na pakbet na mula sa Ilocos Region ay walang kalabasa at may sabaw ng bagoong na isda, pero parehong masarap ang mag kaibang putahe na ito.

Mga Sangkap:
2 kilo kalabasa (hiniwa)
4 piraso talong (hiniwa
1 tali sitaw (hiniwa)
2 piraso ampalaya (hiniwa)
8 piraso okra (hiniwa)
2 butil bawang dinikdik
1/2 sibuyas (hiniwa)
1/4 kilo baboy (hiniwa)
2 kutsara bagoong alamang
2 tasa tubig
mantika
asin

Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagaay aang karne at sangkutsahin hanggang sa medyo brown na, ilagay ang bagoong at igisa ito sa loob ng 2 minuto. Lagyan ng tubig at pakuluin.
2. Ilagay ang kalabasa at pakuluan hanggang sa malapit ng maging half cooked.
3.Lakasan ang apoy at ilagay ang lahat ng mga gulay at haluing madalas hanggang sa maluto, timplahan ng asin kung kailangan saka patayin ang apoy.
4. Ihain kasama ng kanin. 😆





Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

Search This Blog