Sa pagluluto ng pusit para hindi makunat dapat 5-8 minuto lang, kapag lumampas diyan ay kukunat na sya, ang solusyon kapag kumunat na ay pakuluan mo na ng halos isang oras para lumambot.
Mga Sangkap:
- 1 kilo pusit
- 1/2 kutsarita tinadtad na luya
- 2 butil bawang (dinikdik)
- 2 piraso laurel
- 4 kutsara suka
- 2 kutsara toyo
- asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Igisa ang bawang at luya, ilagay ang pusit at laurel, lakasan ang apoy at haluing maigi.
- Ilagay ang suka, toyo, asin at paminta at pakuluan ito hanggang sa maluto.
- Ihain kasama ng maraming kanin :-).
Isa sa mga putaheng masarap ang sisig, nasanay tayo sa sisig na karne, subukan naman natin itong bangus.Super sarap din po mga kabayan.
Mga sangkap:
1 boneless daing na bangus
2 piraso calamansi (piniga)
1 sibuyas ( hiniwa ng maliliit)
2 butil ng bawang (dinikdik)
kunting sibuyas dahon
asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
1. Prituhin ang daing na bangus hanggang sa maluto, palamigin saka himayin ng maliliit.
2. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang hinimay na isda at gisahing maigi.
3. Ilagay ang calamansi saka timplahan ng paminta at asin ayon sa iyong panlasa, haluing maigi at patayin ang apoy.
4. Ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain kasama ng kanin.
Siguradong masarap!
Mga sangkap:
2 pirasong paa ng baboy
1/2 tasa toyo
1.5 litro Coke
2 piraso star anis
4 butil ng bawang (dinikdik)
1/4 kutsarita paminta durog
Paraan ng Pagluto:
1. Gisahin ang bawang, saka ilagay ang paa ng baboy, lutuin ang
magkabilang bahagi hanggang sa medyo brown na, ilagay ang toyo, Coke,
anis at paminta, takpan at pakuluan hanggang sa lumambot.
2. Kapag malambot na, ay ireduce ang sabaw hanggang sa lumapot.
3. Timplahang maigi at ihain pagkaluto kasama ng maraming kanin.
Sana magustuhan nyo ang style kong ito ng Pata Tim.
Yong Coke pwedeng kalahati muna ang ilagay kasi depende rin gaano ka tigas ang pata na lulutuin, kung medyo natutuyo na at di pa malambot saka na lang ilagay ang kalahati.
Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay
ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
Bangsilog is another Filipino combo meal composed of Bangus ( milkfish) Sinangag(Fried Rice) and Itlog ( Egg).
This is easy to prepare just clean the milkfish, add salt, lime or calamansi juice then fry until golden brown.
Fry the egg, then set aside.
For the fried rice, just saute the garlic then add a cup of rice and stir properly until done.
Arrange the fried milkfish, fried egg and fried rice in a platter and serve with a smile :-).
Bangus = BANG
Sinangag= SI
Itlog=LOG --------->BANGSILOG
Kung may balak kang magtinda ng mga SILOG (tapsilog, longsilog, etc) isama mo na ito sa menu mo o ihain mo sa pamilya mo para masaya :-).
Masarap at madaling lutuin. Naisipan kong gawing sisig ang talong
dahil curious lang ako kung pwede ba or kung masarap ba, Well, after
cooking napatunayan kong pwede at masarap! Subukan nyo po.
Mga Sangkap:
- 1/2 kilo talong (hiniwa/diced)
- 1 kutsara calamansi juice (pwedeng dagdagan ayon sa iyong panlasa)
- 3 kutsara toyo
- 1/2 tasa tubig
- 1 sibuys (hiniwa)
- 2 butil bawang (dinikdik)
- 3 siling haba (hiniwa)
- asin at paminta ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:
- Igisa ang bawang, sibuyas at sili saka ilagay ang talong, toyo at calamansi, haluing madalas hanggang sa maging half cooked.
- Ilagay ang tubig, timplahang maigi at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
- Ihain.
Si Malley at ako kapag nagluluto gusto naming dalawa yong mabilisan
lang at madaling gawin, tulad nitong pan grilled chicken breast.
Mga sangkap:
- 1 piraso petso ng manok
- asin at paminta na panimpla
- 2 kutsara butter o mantika
Paraan ng pagluluto:
- Hatiin sa gitna ang petso ng manok.
- Timplahan ng asin at paminta.
- Initin ang mantika o butter, kapag mainit na ay ilagay ang manok,
lakasan ang apoy para ang kulay nya ay parang inihaw, tulad ng nasa
larawan.
- Ihain kasama ng kanin o gulay.
English version
Ingredients:
- 1 chicken breast
- salt and pepper to taste
- 2 tablespoons butter or oil
Procedure:
- Slice the chicken breast into halves.
- Season with salt and pepper.
- Heat the oil or butter, when it’s hot put the chicken and increase
the heat to pan grilled the chicken, cook it until done like the one in
the picture.
- Serve with rice or vegetables.
Maghugas na ng kamay dahil kakain na tayo ng dangsilog. Ang dangsilog
ay isa sa mga breakfast combination nating mga Pinoy na binubuo ng
danggit, itlog at sinangag, kaya tinawag na dangsilog. Isa ito sa mga
mabiling paninda sa mga kainan na nagtitinda ng almusal.
DANG mula sa salitang danggit.
SI mula sa salitang sinangag.
LOG mula sa salitang itlog, combine it together equals DangSiLog.
Madali lang ang paghanda nito mga kababayan, isasangag mo lang ang
kanin, magprito ng itlog at danggit, i-assemble sa plato at pwede ng ihain sa mga mahal mo
sa buhay.