Mapaparami ang kain mo sa putaheng ito, dahil siguradong gaganahan ka lalo na kapag nakakamay pa.
Mga sangkap:
- 100G dilis
- 2 kamatis (hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- 1 labanos (hiniwa at piniga)
- dahon ng sibuyas (hiniwa)
Paraan ng pagluto:
- Isangag ang dilis sa kaunting mantika hanggang sa maluto. Hanguin.
- Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
- Ihain ng nakangiti
Mga sangkap:
- 2 piraso pork chop
- asin at paminta na panimpla
- 1 kutsara katas ng calamansi
- 2 kutsara butter o mantika
Paraan ng pagluluto:
- Timplahan ng calamansi, asin at paminta ang pork chop.
- Initin ang mantika o butter, kapag mainit na ay ilagay ang pork
chop, lakasan ang apoy para maganda ang kulay ng pork chop kapag naluto
na.
- Ihain kasama ng kanin o french fries.
English version
Ingredients:
- 2 pieces pork chop
- salt and pepper to taste
- 1 tablespoon lime or calamansi juice
- 2 tablespoons butter or oil
Procedure:
- Season the pork chop with lime, salt and pepper.
- Heat the oil or butter, when it’s hot put the pork chop and increase the heat to achieve a nice color when it’s cooked.
- Serve with rice or french fries.
Ang halabos ay isang paraan ng pagluluto na pinakasimple at napakadaling gawin dahil iluluto mo lang sa asin ang sangkap. Madalas hinahalabos ay lamang dagat dahil mabilis lang itong maluto tulad ng hipon, alimango, alimasag at mga kauri nito.
Sa paghahalabos ng alimasag, una hugasang maigi ang alimasag at patuluin ang tubig. I lagay sa kawali at lagyan ng asin na sapat para sumarap ang halabos. Lutuin sa malakas na apoy at haluin madalas para maging pantay ang pagkakaluto.
Kapag naluto na ihain ito. Super sarap!
Simpleng luto pero masarap. May mga kaibigan ako ayaw nila ng paksiw,
pero para sa akin isa ito sa mga paborito kong putahe ng isda. Madaling
lutuin at masarap.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo galunggong
- 3 piraso siling haba
- 2 butil bawang (dinikdik)
- kunting luya (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Pagsama-samahin sa lutuan ang lahat ng mga sangkap takpan at hayaang
kumulo hanggang sa maluto. Timplahang maigi bago patayin ang apoy.
- Ihain.
Sino ang hindi naglalaway kapag narinig ang salitang buko salad?
Marinig ko pa lang ang salitang buko salad, naglalaway na agad ako
kasi isa ito sa mga paborito ko. Lagi itong present sa handaan ng
aming pamilya, dahil meron kaming ga puno ng niyog, at madali rin itong
gawin.
Mga sangkap:
- 6 piraso buko ( kinuskos na)
- 1/2 kilo nata de coco (salain)
- 3 (290ML) all purpose cream
- 1 (300ML)condensada
- 1 pinakamalaking lata Fruit Cocktail (salain)
Paraang ng paghahanda:
- Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
- Palamigin bago ihain.
English Version
Ingredients:
- 6 pieces young coconut (scraped)
- 1/2 kilo coconut gel (drained)
- 3 box all purpose cream (290ML)
- 1 can condense milk (300ML)
- 1 biggest can fruit cocktail (drained)
Procedure:
- Combine all the ingredients and mix well.
- Refrigerate before serving.
Nasubukan mo na bang magluto ng hipon at sinabawan mo ng soft drink?
Well, kung hindi pa subukan mo dahil tiyak magugustuhan mo ito, lalo na
kung mahilig ka sa medyo matamis na ulam.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo hipon
- 2 butil bawang (dinikdik)
- 1/2 tasa Sprite,Royal o Coke
- 2 kutsara toyo
- dahon ng sibuyas
- asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Igisa ang bawang, ilagay ang hipon at haluing maigi.
- .Ilagay ang soft drink at toyo, pakuluin ito 5 minuto or hanggang sa
maluto ang hipon at haluin paminsan minsan at timplahan ng asin at
paminta.
- Kapag luto na ay ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain.
English Version
Ingredients:
- 1/2 kilo shrimps
- 2 cloves garlic (minced)
- 1/2 cup Sprite, Royal or Coke
- 2 tablespoons soy sauce
- spring onion
- salt and pepper to taste
Preparation:
- Saute the garlic then add the shrimps and stir well.
- Add the soft drink and soy sauce then simmer for 5 minutes or until
the shrimps are cooked, while stirring occasionally then season with
salt and pepper.
- Garnish with spring onion then serve.
This is very yummy!
Ang okra ay isa sa mga gulay na paborito ko dahil masarap at masustansya. Sagana ang okra sa fiber na nakakatulong sa digestion.
Isang madaling paraan ng pagluluto ng okra ay ang ilaga ito o i-steam.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo Okra (malinis na)
- 6 tasa tubig
Paraan ng Paghahanda:
- Ilagay sa kaldero ang tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay
ang okra at pakuluan hanggang sa maluto.Kapag luto na ay hanguin ito
agad para hindi malata.
- Gumawa ng sawsawan bago ito ihain.
Maraming pwedeng gawing sawsawan para sa okra, gaya ng toyo at calamansi, suka na may paminta at bawang.
Dito sa picture ang nilagay na sawsawan ay katas ng bagoong, nilagyan ng calamansi at pritong bawang, mmmmm sarap!
English Version:
Ingredients:
- 1/2 kilo okra (cleaned)
- 6 cups water
Preparation:
- Put the water in a pot and bring to a boil, when it is boiling put
the okra, and let boil until cooked. Remove from water so that it will
not be overcooked.
- Make a dipping sauce before serving.
You can make different flavors of dipping sauces for this.