Thursday, June 27, 2019

How To Make Grape Seaweed Salad




Mula noong bata pa ako ay gustong gusto ko na itong grape seaweed o lato kung tawagin namin (Davao). Hinuhugasan itong maigi saka tinitimplahan kapag kakainin agad, pero kung hindi kakainin agad mas maganda kung gagawa ka lang ng sawsawan nito para manatili syang fresh, dahil pagnababad sa suka ng matagal at pumuputok sya.
Mga Sangkap:
  • 2 tasa lato (hugasang maigi)
  • 2 kamatis (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka
  • asin panimpla
Paraan ng paghahanda:
  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  2. Ihain kasama ng paborito mong ulam.
English Version
Ingredients:
  • 2 cups grape seaweeds (cleaned well)
  • 2 tomato (sliced)
  • 1 onion (sliced)
  • 1/2 cup vinegar
  • salt to taste
Procedure:

  1. Combine all the ingredients and mix well.
  2. Serve with your favorite viand.

Tuesday, June 25, 2019

Paano Magluto Ng Nilagang Baka


Isa sa mga masasarap na putahe ng sabaw ang nilagang baka, masarap na gawing nilaga ang buto-buto dahil malinamnam ang lasa.

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo buto-buto ng baka
  • 1/4 kilo pechay (malinis na)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 3 patatas (hiniwa)
  • 1 tali sitaw(hiniwa)
  • 8 tasa tubig (pwedeng dagdagan kung kailangan)
  • luya kasing laki ng hinlalaki
  • asin at paminta panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay sa kaldero ang luya,sibuyas, kamatis at buto-buto ng baka, takpan hanggang sa maalis ang kulay dugo sa karne.
  2. Ilagay ang tubig at hayaan itong kumulo hanggang sa lumambot  ang karne saka ilagay ang patatas at pakuluan hanggang maaluto.
  3. Lakasan ang apoy saka ilagay ang pechay at sitaw,  timplahan ng asin at paminta, patayin ang apoy pagkatapos ng 2 minuto.
  4. Ihain habang mainit.
Enlish Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo beef ribs
  • 1/4 kilo  bok choi
  • 1 small size onion (sliced)
  • 1 tomato (sliced)
  • 3 pieces potato (sliced)
  • 1 bunch string beans (sliced)
  • 8 cups water ( add water if necessary)
  • thumb size ginger
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. In a pot put the ginger, onion, tomato ang beef ribs, cover and let simmer until the pinkish color of the meat is gone.
  2. Add the water then let simmer until the meat is tender, then add the potato and simmer until cooked.
  3. Increase the heat to high then add the bok choi, string beans, salt and pepper to taste and  simmer for 2 minute.
  4. Serve it hot.

Monday, June 24, 2019

How To Make Beef Fried Rice



May mga pagkakataon na ang asawa ko ayaw kumain ng palin rice lang kaya nagrerequest sya ng sinangag. Isa ito sa mga paborito nyang sinangag ang beef fried rice. Madali lang itong gawin at hindi magastos.
Mga sangkap:
  • 100 gramo baka (hiwain ng maninipis)
  • 2 tasa kanin (hiwahiwalay na)
  • 2 itlog (binati)
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • asin panimpla
  • 3 kutsara mantika
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang, ilagay ang baka at sangkutsaing mabuti. Pagluto na ay iisangtabi ito.
  2. Sa isang kawali ay mag init ng kaunting mantika, ilagay ang itlog at haluing mabilis para hindi magbuo-buo, ilagay ang kanin at haluing maigi.
  3. Ilagay ang ginisang baka, haluing maigi at timplahan ng asin kung kailangan. Ituloy ang pagsangag hanggang sa maluto ito.
  4. Ihain habang mainit pa.
English Version:
Ingredients:
  • 100 grams beef ( sliced thinly)
  • 2 cups rice (cooked and crumbled)
  • 2 egg (beaten)
  • 2 cloves garlic (minced)
  • salt to season
  • 3 tablespoons oil
Preparation:

  1. Saute the garlic then add the beef,  saute until cooked and set aside.
  2. In another pan, heat an oil then add the egg, give a good stir to have. nice texture to the egg, then add the rice and stir well.
  3. Add the beef and mix well, add salt if necessary, continue the cooking until done.
  4. Serve it hot.

Sunday, June 23, 2019

Paano Gawin ang Gelatin at Sago Salad


Simple at madaling gawin, siguradong panalo sa ito sa mga handaan. 

Mga Sangkap:
  • 1 envelope gelatin ( lutuin at hiwain)
  • 100 gramo sago (lutuin at hugasan)
  • 1 lata condensada (300ml)
  • 1 lata maliit na evaporada
  • 2 All purpose cream (290ml)
  • 1 maliit na garapon nata (227g)
  • 1 maliit lata fruit cocktail (432g)
Paraan ng Paggawa:
  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  2. Palamigin bago ihain.

Note: Salain ang fruit cocktail at nata bago ihalo sa mga sangkap.

Saturday, June 22, 2019

Paano Magluto Ng Paksiw Sa Gata


Isa sa mga gusto ng asawa ko ang putaheng ito, lalo na ang sabaw dahil malinamnam.
Mga sangkap:
  • 2 piraso tilapia o anomang isda na gusto nyo (malinis na at hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
  • 2/3 tasa suka
  • 1 tasa kakang gata
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay sa kaldero ang suka, sibuyas, luya at isda, takpan at pakuluan hanggang sa maluto ang isda.
  2. Ilagay ang gata at timplahan ng asin at paminta, pakuluin ang gata hanggang sa maluto.
  3. Ihain ng mainit.
English Version
 Ingredients:
2 tilapia or any fish ( cleaned )
1 medium size onion Sliced)
thumb size ginger (sliced)
3/4 cup vinegar
1 cup coconut milk
salt and pepper to taste

Procedure:
1. In a cooking pot put the vinegar, onion, ginger and the fish then cover and bring to a boil.Simmer until the fish is cooked.
2. Add the coconut milk, pepper and salt to taste, simmer until done.
3. Serve it hot.

Friday, June 21, 2019

Paano Gawin Ang Lumpiang Shanghai



Malutong, masarap at abot kaya. Subukan ang recipe na ito.

Mga sangkap:
1/2 kilo giniling na baboy
40 piraso pambalot ng lumpia (wrapper)
1 sibuyas (hiniwa)
4 cloves bawang (hiniwa)
2 piraso karot (hiniwa)
2 piraso patatas (hiniwa)
Asin at paminta panimpla

Paraan ng Paghahanda:
1. Paghaluin ang lahat ng sangkap maliban sa wrapper.
2. Sa isang wrapper ilagay ang pinaghalong karne at i-roll ito hanggang sa mabuo ang lumpia.
3. Sa isang kawali initin ang mantika at prituhin ang lumpiang Shanghai hanggang sa maluto.
4. Ihain ito kasama ng paborito mong sawsawan.


I do not use flour and egg for lumpiang shanghai, para hindi magdry.
ENGLISH VERSION
Crispy, delicious, and budget friendly. Try this recipe.
Ingredients:
1/2 kilo ground pork
40 pieces spring roll wrappers
1 onion ( minced)
4 cloves garlic ( minced)
2 medium size carrots ( minced)
2 medium size potatoes ( minced)
salt and pepper to taste


Procedure:
1. Mix all the ingredients except for the wrapper.
2. In a wrapper put the meat mixture and roll it to wrap.
3. In a pan heat an oil then fry the Shanghai rolls until golden brown.
4. Serve it with your favorite sauce.

Thursday, June 20, 2019

How To Make Clam Soup



Maliliit lang pero siksik sa sarap ang sabaw ng halaan. Higop na!
Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo halaan
  • luya kasing laki ng hinlalaki ( hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 1 1/2 tasa tubig
  • sibuyas dahon
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang luya, sibuyas at kamatis, saka ilagay ang halaan at igisa ito hanggang sa bumuka.
  2. Ilagay ang tubig at hayaang kumulo ng 10 minuto o hanggang sa maluto. Timplahan ng asin.
  3. Ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain. Higop na!
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo clams (hugasang maigi)
  • thumb size ginger (strips)
  • 1 onion (sliced)
  • 1 tomato (sliced)
  • 1 1/2 cup water
  • spring onion
  • salt to taste
Procedure:
  1.  Saute the ginger, onion and tomato then add the clams and saute for 2 minutes or until the shells opened.
  2. Add the water and boil for 10 minutes or until done. Do not forget to season with salt.
  3. Add the spring onion then serve in a bowl and enjoy.

Search This Blog