Isa sa mga paborito kong putahe sa bangus ay paksiw, masarap at nakakagana yong saktong asim ng suka, mmmmmmm sarap.
Mga sangkap:
- 1 bangus (hiniwa at malinis na)
- 1/2 tasa suka
- 1/2 tasa tubig
- 3 piraso siling haba
- luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
- 1 maliit sibuyas (hiniwa)
- 2 butil bawang (dinikdik)
Paraan ng Pagluluto:
- Ilagay sa kaldero ang lahat ng mga sangkap maliban sa tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaang kumulo hanggang sa maging halfed cooked ang isda.
- Ilagay ang tubig at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang isda.
- Ihain kasama ng maraming kanin.
English Version
Ingredients:
- 1 milkfish ( sliced and cleaned)
- 1/2 cup vinegar
- 1/2 cup water
- 3 pieces chili finger
- thumb size ginger (sliced)
- 1 small onion (sliced)
- 2 cloves garlic (crushed)
- salt and pepper to taste
Procedure:
- In a pot put all the ingredients except the water then allow to boil, when boiling reduce the heat and simmer until the fish is half cooked.
- Add the water and continue to boil until the fish is fully cooked.
- Serve it hot with extra rice.
Kapag nagkikita kita kaming mga magkakaibigan ang madalas naming
kinakain habang nagkukuwentuhan ay nilagang mani. Kaya naisipan kong
ipost ito ngayon.
Mga sangkap:
- 1 kilo mani (malinis na)
- tubig
- asin
Paraan ng Pagluluto:
- Ilagay sa kaldero ang mani, lagyan ng tubig na na lagpas 1 pulgada
sa mani at pakuluan ito sa loob ng 45 minutos. Pagkatapos ng 45 minutos
ilagay ang asin at ituloy ang pagpapakulo dito sa loob ng 15 minutos.
- Kapag patay na ang apoy, huwag munang hanguin ang mani, hayaan ito sa loob ng 30 minuto para patuloy itong maluto.
- Ihain at umpisahan na ang masayang kwentuhan :-).
English Version
Ingredients:
- 1 kilo shelled peanut (cleaned)
- salt
- water
Procedure:
- In a pot put the peanut and water, make sure that the water is 1
inch higher than the peanuts, boil the penuts for 45 minutes, then put
the salt after 45 minutes and continue to boil for 15 minutes then turn
off the heat.
- Let the peanut stay in the pot for another 30 minutes before draining it so that it will continue cooking.
- Serve it with a good conversation :-).
Putting the salt at the begining of cooking is not good, because it can change the texture of the peanut.
Ang hipon na may mantikilya at bawang ay isa sa mga kumon at bantog
na putahe ng hipon. Nasa sa iyo na kung gusto mong balatan na ang hipon o
hindi. Napakadaling lutuin at simple lang ang mga sangkap.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo hipon (malinis na)
- 2 kutsara mantikilya
- 4 butil bawang (tinadtad)
- asin at paminta na panimpla
- dahon ng sibuyas
Paraan ng Pagluluto:
- Tunawin ang mantikilya at ilagay ang bawang, igisa ito hanggang sa mapirito.
- Ilagay ang hipon at lakasan ang apoy, timplahan ng asin at paminta. Haluing madalas hanggang sa maluto.
- Budburan ng piniritong bawang at dahon ng sibuyas bago ihain.
English Version:
Ingredients:
- 1/2 kilo shrimps (cleaned)
- 2 tablespoons butter
- 4 cloves garlic (chopped)
- salt and pepper to taste
- spring onion for garnishing
Procedure:
- Melt the butter then add the garlic and saute until brownish.
- Add the shrimps and cook over high heat, season with salt and pepper, stirring constantly until done.
- Sprinkle with fried garlic and spring onion before serving.
Kapag mga ganitong putahe na ang binabanggit, ang iniisip natin sa
restaurant na kakain para masarap at special, pero ang totoo
napakadaling ihanda ang steak, di mo na kailangang pumunta pa sa
restaurant para makakain ng mga ganyang putahe. Bumili ka na lang ng
kalahating kilo ng rump steak or sirloin at ikaw na ang magluto, samahan
mo ng pang side dish para masaya.
Mga sangkap:
- 2 hiwa ng sirloin na may kapal na 2.5 sentimetro
- asin at paminta na panimpla
- 2 kutsara mantikilya
Paraan ng Pagluluto:
- Timplahan ang karne ng asin at paminta.
- Ilagay sa kawali ang mantikilya, kapag mainit na ay ilagay ang karne
at lutuin ito sa loob ng 5 minuto o hanggang sa maging luto ayon sa
iyong gusto, baliktarin paminsan minsan para pantay ang pagkakaluto
nito. Lagyan ng asin at paminta bago ito hanguin.
- Kapag luto na ay maari na itong ihain kasama ng kanin o kung anoman ang gusto mong kapares nito.
English Version
Ingredients:
- 2 slices sirloin around 2.5 cm in thickness
- salt and pepper to taste
- 2 tablespoon butter
Procedure:
- Season the sirloin with salt and pepper.
- In a pan heat the butter then put the sirloin and cook for 5 minutes
or until it is cooked to your desired doneness, turning each side so
that it will be cooked evenly. Season again with salt and pepper if
needed before serving.
- Serve with rice or any side dish that you like.
Isa sa mga gulay na nasa kantang “Bahay Kubo” ang labanos. Ito ay
masarap gawing ensalada at kaining kasabay ng anomang pinirito o inihaw
na ulam. Masarap din itong panlagay sa sinigang pero mas gusto ko ito
bilang ensalada, at higit sa lahat gusto ko ang radish dahil isa ito sa
mga gulay na mababa ang calories pero maraming maidudulot na mabuti sa
kalusugan lalo na sa ating digestive system dahil sagana ito sa fiber.
Magandang pangdetox.
Mga sangkap:
- 1/2 kilo labanos ( malinis at hiniwa na)
- 2 piraso malaking kamatis (hiniwa)
- 1 piraso maliit na sibuyas (hiniwa)
- 1/2 tasa suka2 kutsara hiniwang dahon ng sibuyas
- 1 kutsarita asucar
- sibuyas dahon (hiniwa)
- asin at paminta panimpla
Paraan ng paggawa:
1. Lagyan ng kaunting asin ang labanos at haluin, pigaing maigi para
lumabas ang katas at mabawasan ang matapang na lasa ng labanos.
Pagkatapos ng prosesong ito ay paghaluin ang lahat ng mga sangkap at
timplahan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.
2. Ihain kasama ng paborito mong ulam na inihaw o prito.
Natikman nyo na ba ang tinolang bangus? Kung hindi pa, magluto ka na kabayan at sigurdong magugustuhan mo ito.
Mga sangkap:
- 2 piraso bangus (hiniwa)
- 8 tasa tubig
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 2 kamatis (hiniwa)
- luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
- 1 tasa malunggay
- asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
- Ilagay sa kaldero ang sibuyas, luya, kamatis, bangus at lagyan ng
asin, takpan at lutuin sa mahinang apoy. Kapag medyo luto na ang isda,
ilagay ang tubig at lakasan ang apoy at pakuluan ang isda hanggang sa
maluto.
- Timplahang maigi at ilagay ang malunggay at patayin ang apoy.
- Ihain kasama ng kanin. Ang sarap!
Ang minatamis na saging ay masarap na panghimagas o pangmerienda.
Pwede rin itong ihalo sa halo-halo o gawing banana con yelo. Sa
pagluluto nito pwede ring asukal na brown o panutsa ang gamitin mo.
Mga sangkap:
- 6 piraso saging na saba (hiniwa)
- 3/4 tasa asukal puti
- 1 1/2 tasa tubig
Paraan ng Pagluluto:
- Ilagay ang asukal sa kawali, tunawin ito hanggang sa medyo brown na
ang kulay nito, ilagay ang tubig at pakuluin hanggang sa malusaw ang
asukal.
- Ilagay ang saging at lutuin sa katamtamang init ng apoy, haluin paminsan minsan hanggang sa maluto.
- Kapag luto na, ihain ito bilang panghimagas o pangmerienda.
English Version
Ingredients
- 6 pieces banana ( saba)
- 3/4 cup white sugar
- 1 1/2 cup water
Procedure:
- Put the sugar in a pan, melt it until brownish in color , then put the water and let boil until the sugar is dissolved.
- Add the banana and let simmer over low heat until cooked while stirring every now and then.
- When it is done, remove from heat. Serve it as a snack or a dessert.