Sunday, June 9, 2019

Ensaladang Pipino At Kamatis



Masarap at maasustansya! Madaling gawin at siguradong magugustuhan ng pamilya.

Mga Sangkap:
  • 3 piraso pipino (linising maigi at hiwain)
  • 250 gramo maliliit na kamatis ( hiniwa )
  • 2 kutsara katas ng kalamansi o lemon
  • 3 kutsara suka
  • 2 kutsara olive oil
  • 1 kutsarita asukal
  • asin at paminta panimpla
Paraan ng Paghahanda:
  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  2. Ihain kasama ng pinirito o inihaw na ulam.
English Version

Ingredients:
  • 3 pieces cucumber
  • 250 grams cherry tomato
  • 2 tablespoons lemon juice
  • 3 tablespoons vinegar
  • 2 tablespoons olive oil
  • 1 teaspoon sugar
  • salt and pepper to taste
Procedure:


  1. Combine all the ingredients and mix well.
  2. Serve with fried or grilled viand.

Saturday, June 8, 2019

Paano Magluto Ng Sinigang Na Hipon




Ang Sinigang ay isang uri ng putahe na may sabaw at maraming pwedeng gamitin dito bilang base na sangkap pero ang ibabahagi ko ngayon ay sinigang na hipon. Masarap talaga ang sinigang mapatag-araw o tag-ulan man. Kung nag aaral ka pa lang magluto, subukan mo ito, napakadali lang gawin.Dinagdagan ko ito ng kabuti (mushroom) para lalong sumarap.
Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo hipon
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 200 gramo kabuti
  • 40G sinigang  mix
  • 8 tasa tubig
  • 1 tali kangkong
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang tubig, sibuyas, kamatis at kabuti, pakuluin ng 10 minuto.
  2. Ilagay ang labanos at hipon, pakuluan sa  loob ng 2 minuto, timplahan ng asin, ilagay ang kangkong at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 30 segundo.
  3. Ilagay ang sinigang mix, haluing maigi at patayin ang apoy pagkatapos ng isang kulo.
  4. Ihain habang mainit pa.

Tuesday, June 4, 2019

How To Make Vegetable Spring Roll


Ang lumpiang gulay o vegetable spring roll ay isa sa mga pinakacommon na handa twing may special na okasyon sa aming pamilya, madali lang itong gawin at  mura pa.
Mga Sangkap:
  • 1 kilo toge
  • 1 repolyo ( hiniwa ng pahaba)
  • 1/4 kilo giniling na karne (kung anong karne ang gusto mong gamitin)
  • 2 carrots ( hiniwa pahaba)
  • 1 sibuyas ( hiniwa)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla
  • 30 piraso pabalat ng lumpia
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling, haluin at gisahing maigi hanggang sa maluto.
  2. Ilagay ang natitirang mga sangkap maliban sa pabalat ng lumpia, timplahan ng asin at paminta.
  3. Ilagay sa colander o salaan para maalis ang sabaw at maiwasang masira ang wrapper.
  4. Kapag malamig na ay balutin ito, at prituhin ng palubog sa mantika.
  5. Ihaing kaulam ng kanin o pangmeryenda.
English Version
Ingredients:
1 kilo  bean sprouts
1 head medium size cabbage (strips)
1/4 kilo ground beef ( or whatever meat you would like to use)
2 medium size carrots ( strips)
1 small onion
3 cloves garlic
salt and pepper to taste
30 Spring roll wrapper

Procedure:
1. Saute the garlic and onion, add the ground beef and simmer for few minutes.
2. Add the rest of the ingredients except the wrapper, simmer until it is cooked. ( do not overcooked).
3. Drain and let it cool.
4. Wrap in the spring roll wrapper and deep fry until golden brown.


5. Serve with rice or as a snack.

Sunday, June 2, 2019

How To Cook Fried Chicken



Ang Fried Chicken or piniritong manok ay isa sa mga pinakapopular na putahe ng manok, kahit may iba’t ibang paraan ng pagluluto ang mga tao dito, may iba di na nilalagyan ng harina o breading, may iba naman sili powder at harina ang ginagawang coating ng fried chicken, pero kahit ano pa man ang sangkap, basta’t sinabing fried chicken, patok talaga sa lahat.
Mga sangkap:
  • 1 kilo manok (hiniwa ayon sa gusto mong laki)
  • 2 kutsara katas ng calamnsi
  • asin at paminta (panimpla)
  • 1 tasa harina
  • mantika na pagpipirituhan
Paraan ng Pagluluto:
  1.  Timplahan ang manok ng kalamansi, asin at paminta. Haluing maigi.
  2. Pagulungin sa harina at prituhin hanggang sa maluto.
  3. Ihain kasama ng ketchup o anomang sawsawan na gusto mo.
Sa pagpipirito ng manok para hindi maging hilaw ang loob na bahagi, habang niluluto ito ay wag masyadong malakas ang apoy para unti-unting maluto ang loob at di pa sunog ang labas na bahagi, kapag malapit ng maluto saka lakasan ang apoy para magkaroon ng magandang kulay at malutong ang balat.
Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

English Version

Ingredients:
  • 1 kilo Chicken (sliced to your desired size)
  • 2 tablespoons calamansi juice or lemon
  • salt and pepper to taste
  • 1 cup flour
  • oil for frying
Procedure:

  1. Season the chicken with lemon juice, salt and pepper. Mix well.
  2. Bread the chicken with flour and fry until cooked. While cooking see to it that the heat is not too high so that the inside part of the chicken is well cooked. When almost done cooking adjust the heat to high to give a nice color to the fried chicken and a crispy skin.
  3. Serve with your favorite sauce.

Paano Lutuin Ang Chicken Afritada





Ang afritada ay isa sa mga sikat na putahe sa Pilipinas, lalo na sa mga special na okasyon. Madaling lutuin at masarap pa.
Mga Sangkap:
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 1 buo sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 kilo manok (hiniwa)
  • 1 pakete tomato sauce (200 grams)
  • 1 tasa tubig
  • 2 piraso carrots ( hiniwa)
  • 2 piraso patatas (hiniwa)
  • 1 pulang bell pepper
  • 1 green bell pepper
  • ilang butil ng pamintang buo
  • asin panimpla
Paraan ng pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang manok at sangkutsaing maigi.
  2. Ilagay ang tomato sauce at ituloy ang pagsangkutsa sa loob ng 5 minuto.
  3. Ilagay ang tubig at pakuluin saka ilagay ang carrots, patatas, paminta at bell pepper, hayaang kumulo hanggang sa maluto at haluin paminsan minsan.
  4. Timplahang maigi bago ihain.

English Version
Ingredients:
  • 2 cloves garlic (minced)
  • 1 onion ((minced)
  • 1/2 kilo chicken (sliced)
  • 1 pack tomato sauce (200 grams)
  • 1 cup water
  • 2 carrots ( sliced)
  • 2 potato  (sliced)
  • 1 red bell pepper
  • 1 green bell pepper
  • peppercorn according to your taste
  • salt according to your taste
Preparation:
  1. Saute the garlic and onion, add the chicken and continue sauteing until the pinkish color of the meat is gone.
  2. Add the tomato sauce and simmer for 5 minutes, stirring occasionally.
  3. Add the water and bring to a boil then add the carrots, potatoes, peppercorn and bell pepper, let simmer until it is cooked , while stirring occasionally.
  4. Season well before serving.

Saturday, June 1, 2019

Paano Magluto ng Caldereta


Sabaw pa lang ulam na!

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo baka ( hiniwa )
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 tasa tomato sauce
  • 3 tasa tubig
  • 3 patatas ( hiniwa)
  • 2 karots (hiniwa)
  • 1 lata liver spread (maliit)
  • 1 pula bell pepper (hiniwa)
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang karne at sangkutsaing maigi hanggang sa mawala ang dugo sa karne.
  2. Ilagay ang tomato sauce at hayaang halos matuyo ang tomato sauce saka ilagay ang tubig. Pakuluan hanggang sa lumambot ang carne. Ang tubig ay pwedeng dagdagan kung ang 3 tasa ay di sapat na mapalambot ang carne, dahil minsan may mga karne na kailangan matagal pakuluan dahil matigas.
  3. Idagdag ang patatas, karots at bell pepper, haluing maigi at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
  4. Ilagay ang liver spread at haluing maigi, hayaang kumulo ito ng 2 minuto, timplahan ng asin kung kailangan.
  5. Ihain kasama ng kanin.


Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

Wednesday, May 29, 2019

Paano Gawin Ang Kinilaw Na Tuna



Ang kinilaw na isda, lalo na ang Tuna ay popular na putahe sa Mindanao. Gawa ito sa hilaw na isda na hinugasan ng suka at tinimplahang maigi kaya masarap talaga. May iba rin na ang ginagawang kinilaw ay karne pero ang gagamitin ko ngayon ay tuna.

Mga sangkap:
  • 1/2 kilo tuna (malinis at hiniwa na)
  • 1 malaking pipino ( hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 kutsarita luya (tinadtad)
  • 2 kutsara katas ng calamansi
  • suka
  • asin panimpla
  • sili
  • maraming pag-ibig 😀
Paraan ng paggawa:
  1. Hugasan ng suka ang isda, pagkatapos ay pigain ng kaunti para maalis ang suka.
  2. Sa isang malaking bowl ay pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at timplahang maigi ng asin at suka.
  3. Lagyan ng sili bago ihain.
English Version

Ingrdients:

  • 1/2 kilo tuna ( cleaned and sliced)
  • 1 big cucumber ( sliced)
  • 1 onion (sliced)
  • 1/2 teaspoon ginger (minced)
  • 2 tablespoons calamansi or lemon juice
  • vinegar
  • salt to taste
  • some chili
  • lots of love 😀
Procedure:

  1. Wash the tuna with vinegar and squeeze to remove excess vinegar.
  2. In a big mixing bowl combine all the ingredients and mix well, season with vinegar and salt.
  3. Serve with hot chili.

Search This Blog