Tuesday, May 21, 2019

Ginataang Papaya


Natutunan ko ang lutong ito noong bata pa ako dahil isa ito sa mga iluluto ng tatay ko. Matagal na panahon na akong di nakakain nito kaya nang makakita ako ng papaya ngayon dito sa aming bukid ay nagluto ako. Sana magustuhan nyo ang putaheng ito. Masarap ito.
Mga Sangkap:
  • 1 katamtamang laki papaya (hiniwa)
  • 1/2 tasa kakang gata
  • 2 tasa ikalawang gata
  • 1 sibuyas
  • 1 kutsara tinadtad na luya
  • sahog (kung ano ang gusto mong isahog)
  • 1 tasa malunggay
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kawali ang ikalawang gata, luya, sibuyas, sahog at asin, pakuluin ito saka ilagay ang papaya. Pakuluan hanggang sa lumambot.
  2. Kapag malambot na ang papaya, timplahang maigi, ilagay ang kakang gata at malunggay. Patayin pagkatapos ng isang kulo.
  3. Ihain.

Monday, May 20, 2019

How To Grill Squid Perfectly



Marami akong kakilala ayaw nila ng pusit dahil makunat daw, ang pusit ay hindi makunat kapag marunong kang magluto nito, kaya lang kumukunot dahil naovercooked ito. Subukan mong lutuin ng sakto lang (5-10 minutos), sigurado ako na iyo itong babalik balikan, ang sarap kaya. :-)
Mga Sangkap:
  • 1 pirso malaking pusit
  • 1 maliit kamatis ( hiniwa)
  • dahon ng sibuyas
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Linisin ang pusit at timplahan ng asin at paminta.
  2. Ilagay sa loob ng pusit ang kamatis at sibuyas dahon.
  3. Painitin ang ihawan, kapag mainit na ilagay ang pusit (dapat katamtaman lang ang apoy). Lutuin ang pusit ng 3 minuto  at kapag binaligtad ay 3 minuto uli, huwag i-overcooked para di kumunat.
  4. Kapag luto na ay hiwain at lagyan ng toyo at kalamansi bago ihain.
English Version
Ingredients:
  • 1 big squid
  • 1 tomato (chopped)
  • spring onion
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. Clean the squid and season with salt and pepper.
  2. Stuff the squid with tomato and spring onion.
  3. Heat the grill, when it's hot put the squid and cook for 3 minutes over medium heat, then flip it and cook for another 3 minutes.Do not over-cooked, so that it will not be chewy.
  4. Slice and serve with soy sauce and lime or calamansi.

Sunday, May 19, 2019

How To Cook Crispy Pork Head



Crispy at masarap. Madali lang itong gawin, sa pamamagitan ng slow cooking method napapalambot nito ang karne. Subukan nyo po.
Mga sangkap:
  • 1 ulo ng baboy (malinis na)
  • asin at paminta na panimpla
  • 2 kutsara katas ng kalamansi 
Paraang ng pagluluto:
  1. Timplahang maigi ng Kalamansi, asin at paminta ang ulo ng baboy. Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
  2. Painitin ang oven sa loob ng 10 minuto sa temperaturang 140C. Ilagay ang ulo ng baboy at i-oven ito sa loob ng 5 horas.
  3. Pagkatapos ng 5 horas ilipat ang temperatura sa 150C at ituloy ang pagluluto sa loob ng 1 horas.
  4. Ihain at tawagin ang pamilya para magsalo-salo na!
English Version
Ingredients:
  • 1 pork head (cleaned)
  • salt and pepper to taste
  • 2 tablespoons calamansii or lime juice
Procedure:

  1. Seasonthe pork head with lime juice, salt and pepper. If you want to enhance the flavor by using powdered seasoning, it is up to you.
  2. Preheat the oven for 10 minutes at 140C. Put the pork’s head and cook it for 5 hours.
  3. After 5 hours, adjust the temperature to 150C then continue cooking for 1 hour.
  4. Serve and enjoy!

Saturday, May 18, 2019

How To Make Sago Salad


Isa sa mga paborito kong ginagawa kapag may special na okasyon ay ang sago salad, maraming pwede ilagay dito, nasa sa inyo na po kung ano ang mga idagdag nyong sangkap. Walang fruit cocktail dito sa lugar ko kaya simpleng simple lang ang nagawa ko ngayon.
Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo sago (lutuin at salain, hugasan para maalis ang malagkit na texture)
  • 2 lata  Gatas Condensada (malaki)
  • 2 lata All purpose cream (Nestle, Magnolia, etc)
  • 1 lata Gatas Evaporada
  • 2 Mangga hinog( hiniwa ng dice)
  • 1 lata pine apple tidbits
  • 1/2 tasa pasas
Paraan ng Paggawa:
  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  2. Palamigin saka ihain.
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo sago (cooked and drained)
  • 2 can condensed milk
  • 2 can all purpose cream
  • 1 can evaporated milk
  • 2 piceces mango (diced)
  • 1 can pineapple tidbits
  • 1/2 cup raisins
Procedure:
  1. Combine all the ingredients, mix well.
  2. Refrigerate before serving.

Tuesday, May 14, 2019

How To Cook Chicken Liver


Isa sa mga parte ng manok na paborito ko ay ang atay, Kumakain din nito si Malley (asawa ko) kapag wala ng iba ( laughing) but I always convince him to eat because it is nutritious, high in iron that can help in preventing anemia, at marami pang iba't ibang uri ng bitamina ang makukuha dito (vitamins B12, A, B6) at marami pang iba. Kaya kumain na tayo ng atay ayon sa pangangailngan ng ating kalusugan.

Mga sangkap:
  • 1 kilo atay ng manok
  • 4 kutsara toyo
  • luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 pulang bell pepper (hiniwa)
  • 1 tali sibuyas dahon (hiniwa)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas, ilagay ang atay at igisa sa loob ng 5 minuto o hanggang sa lumabas ang katas ng atay.
  2. Ilagay ang toyo at bell pepper, haluing maigi at timplahan ng asin at paminta. Takpan at ituloy ang pagluluto sa mahinang apoy hanggang sa matapos saka ilagay ang dahon ng sibuyas at patayin ang apoy.
  3. Ihain kasama ng kanin.
English Version

Ingredients:
  • 4 kilos chicken liver
  • 4 tablespoons soy sauce
  • thumb size ginger ( sliced into strips)
  • 1 onion (sliced)
  • 1 red bell pepper
  • 1 bunch spring onion
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. Saute ginger, garlic and onion, add the liver then simmer for 5 minutes.
  2. Add the soy sauce and bell pepper, mix well then season with salt and pepper. Cover and continue to cook in low heat until it is done, put the spring onion then turn off the heat.
  3. Serve with rice.

Paano Lutuin Ang Pork Menudo


Ang menudo ay madali lang lutuin, nilalagyan ito ng atay at hotdog, pero komo ayaw ng asawa ko, di ko na isinama sa recipe na ito. Next po magpost ako ng menudo na special pero sa ngayon ito po  muna ang ihahain ko sa inyo :-).
Mga Sangkap:
  • 1 kilo baboy
  • 2 karot (hiniwa)
  • 3 patatas (hiniwa)
  • 2 tasa tomato sauce
  • 1/2 tasa green peas
  • 2 tasa tubig
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas, pagkatapos ay ilagay ang baboy at sangkutsain sa loob ng 5 minuto.
  2. Ilagay ang tomato sauce at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  3. Ilagay ang tubig at pakuluin sa loob ng 10 minuto o hanggang sa lumambot ang karne at haluin paminsan-minsan.
  4. Ilagay ang karots at patatas, pakuluan hanggang lumambot at idagdag ang green peas, asin at paminta, timplahing maigi.
  5. Ihaing mainit at huwag kalimutang ngumiti :-).

English Version:

Ingredients:
1 kilo pork
2 carrots  (sliced)
3 potatoes (sliced)

2 cups tomato sauce
1/2 cup green peas
2 cups water
1 onion (chopped)
3 cloves garlic (chopped)
salt and pepper to taste

Procedure:
1. Saute garlic and onion then add the pork and simmer for 5 minutes stirring occasionally.
2. Add the tomato sauce then simmer for another 5 minutes.
3. Add the water and simmer for 10 minutes or until the meat is tender, stirring occasionally.
4. Add the carrots and potatoes then simmer until it is tender, add the green peas, salt and pepper to taste.

5. Serve it hot and do not forget to smile :-)

You can add, pork liver, hotdog and raisins for this recipe.

Paano Lutuin Ang Picadillo

Ang Picadillo ay isang putahe na gawa sa giniling at nilalagyan ng tomato sauce o kamatis, karots at patatas. Ang picadillo ng Pilipinas ay halos magkahawig din sa picadillo ng cuba at Mexico, mayroon lang ibang mga sangkap ng pagkakakilanlan nito, ibabahagi ko rin sa susunod ang mga version ng ibang bansa. Mayroong iba't ibang paraan ng pagluluto nito, pero mas ok sa akin ang may kaunting sabaw, tulad ng ibabahagi ko ngayon. Madali lang itong lutuin, maaring nakapagluto ka na nito pero di mo alam na picadillo ang tawag kasi nasanay tayo na tinatawag nating giniling ang putaheng ito.

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo giniling na baka
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 1 maliit sibuyas (hiniwa)
  • 2 buo patatas ( hiniwa)
  • 1 buo carrot ( hiniwa)
  • 1/2 tasa green peas (mas maganda ang frozen kaysa nasa lata)
  • 1 pack tomato sauce (200g)
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling. at sangkutsahing maig hanggang sa maalis ang kulay dugo ng giniling.
  2. Ilagay ang tomato sauce at haluing maigi, takpan at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  3. Ilagay ang tubig at pakuluin, ilagay ang patatas at karots saka timplahan, pakuluan hanggang sa maging half cooked ang gulay.
  4. Ilagay ang green peas at patayin ang apoy pagkatapos ng 2 minuto.
  5. Ihain ng nakangiti :-).
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo ground beef
  • 1 small onion )minced)
  • 2 cloves garlic (minced)
  • 2 potatoes (diced)
  • 1 carrot (diced)
  • 1/2 cup frozen green peas
  • 1 pack tomato sauce (200g)
  • salt according to your taste
Preparation:
  1. Saute the garlic and onion, add the ground beef and stir well until the pinkish color is gone.
  2. Add the tomato sauce and give it a good stir, cover and let simmer for 5 minutes.
  3. Add the water and bring to a boil, add the potatoes and carrots then season well, allow to simmer until the vegetables are half cooked.
  4. Add the green peas and turn off the heat after 2 minutes.
  5. Serve with a big smile :-)

Search This Blog