Masarap! Dito sa Brasil ang puso ng manok ay isa sa mga kumon na pagkain, at sa mga street food nila tinutuhog ito sa barbecue stick at iniihaw o kaya ay parang sinasangag. Madali lang itong lutuin, ito ang ibabahagi ko kung paano.
Mga Sangkap:
- 1/2 kilo puso ng manok (hugasang maigi at patuluin)
- 2 sibuyas (hiniwa)
- 3 kutsara mantika
- asin at paminta panimpla
- Timplahang maigi ng paminta at asin ang puso ng manok.
- Initin ang mantika sa kawali, kapag mainit na, ilagay ang puso ng manok at lutuin ito na parang sinasangag hanggang sa maluto.
- Ilagay ang sibuyas at ituloy ang paghalo hanggang sa maluto ang sibuyas.
- Ihain habang mainit pa.
Ingredients:
- 1/2 kilo chicken heart
- 2 onion (sliced)
- 3 tablespoons oil
- salt and pepper to taste
- Season well the chicken heart with salt and pepper.
- Heat the oil in a pan then put the chicken heart, stir well and cook until brownish.
- Add the onion and continue stirring until the onion is done.
- Serve it hot.
Have you tried this recipe before?