Showing posts with label Vegetables. Show all posts
Showing posts with label Vegetables. Show all posts

Sunday, May 19, 2024

Ensaladang Baguio Beans



Malutong at manamis namis ang ensaladang Baguio beans.

Mga sangkap:
1/2 kilo Baguio beans (malinis at hiniwa)
1/4 kilo maliliit na camatis (hinati sa gitna)
2 kutsara katas ng calamansi
1 sibuyas (hiniwa)
Tubig
asin at paminta na panimpla

Paraan ng pagluluto:
1. Magpakulo ng tubig sa caldero at ilagay ang beans, lutuin ito sa loob ng 5 minuto o hanggang sa lumambot pero di malata. Hanguin at hugasan para maiwasang malata at patuluin ang tubig.
2. Sa malaking bowl paghaluing maigi ang beans, sibuyas, camatis, calamansi, asin at paminta. Pwede ng ihain pagkatapos.


Friday, May 17, 2024

Ginisang Ampalaya Na May Hipon at Itlog




Ang ampalaya ay isa sa mga gulay na ayaw ng karamihan dahil sa lasa nito na mapait, pero kahit mapait ito marami itong magandang maidudulot sa ating kalusugan dahil ito ay sagana sa antioxidant at mga bitamina na kailangan ng ating katawan. Kaya kumain na tayo ng ampalaya mga kabayan.


Mga sangkap:

1/2 kilo ampalaya
200 grams hipon
2 itlog (binati)
1 maliit sibuyas (hiniwa)
asin ayon sa iyong panlasa
mantika panggisa

Paraan ng Pagluluto:

1. Linisin ang ampalaya sa pamamagitan ng paghati nito at alisin ang buto, kapag nalinis na ay hiwain ito ayon sa kapal na ibig mo.


2.Igisa ang sibuyas at kapag medyo brown na ay ilagay ang hipon at gisahin saka ilagay ang ampalaya at gisahin ito hanggang sa maging half cooked saka lagyan ng panimpla at haluin.
3. Lakasan ang apoy at ilagay ang binating itlog at haluing maigi. Kapag luto na ang itlog ay patayin ang apoy at pwede ng ihain ang masarap na ampalaya๐Ÿ˜€

Tips: Magandang lutuin ito sa malakas na apoy at hindi takpan ang kaldero habang niluluto para maiwasang magtubig at hindi lalong pumait.


















Monday, March 23, 2020

Ginisang Sitaw At Kalabasa




Masarap at masustansya.


Mga Sangkap:
1/2 kilo kalabasa (hiniwa)
2 tali sitaw (hiniwa)
1/4 kilo baboy (hiniwa)
1/4 tasa toyo
2 tasa tubig
3 butil bawang (dinikdik)
2 kutsara mantika
asin at paminta panimpla


Paraan ng Pagluluto:
1. Initin ang mantika at ilagay ang baboy hanggang sa maging brown saka ilagay ang bawang at gisahing maigi, ilagay ang toyo at gisahin ng ilang segundo.
2. Ilagay ang tubig at pakuluin, ilagay ang kalabasa at pakuluin ng 4 na minuto o hanggang sa malapit ng maluto at ilagay ang sitaw, lakasan ang apoy para manatiling green ang kulay ng sitaw at haluing maigi, timplahan ng asin at paminta at patayin kapag luto na ang mga gulay.
3. Ihain kasama ang kanin. Masarap magkamay ๐Ÿ˜ƒ



Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

Sunday, March 15, 2020

Paano Magluto Ng Masarap Na Ginataang Sitaw




May iba't ibang paraan ng pagluto ng ginataang sitaw, pero ito ang paraan ko dahil alam ko mas masarap ito ๐Ÿ˜ƒ


Mga Sangkap:

200 grams sitaw
100 grams hipon (malinis na)
100 grams baboy (hiniwa ng maliliit)
1 tasa purong gata
2 butil ng bawang (dinikdik)
asin ayon sa iyong panlasa

Paraan ng  pagluluto:

1.Igisa ang sibuyas, ilagay ang karne ng baboy at sangkutsahing maigi, lagyan ng asin at ilagay ang hipon, gisahing maigi.
2. Ilagay ang sitaw at haluing maigi, kapag medyo luto na ilagay ang gata at hayaang kumulo.
3. Haluin paminsan minsan hanggang sa maluto.
4. Ihain kasama ng kanin at matamis na ngiti ๐Ÿ˜ƒ




Sunday, December 8, 2019

Paano Lutuin ang Pakbet Tagalog




Ang pakbet Tagalog  ay isang putahe na binubuo ng iba't ibang masasarap na gulay tulad ng kalabasa, okra, sitaw at iba pa,kaya talagang masarap ang putaheng ito.  Ang pakbet tagalog ay may kalabasa pero ang original na pakbet na mula sa Ilocos Region ay walang kalabasa at may sabaw ng bagoong na isda, pero parehong masarap ang mag kaibang putahe na ito.

Mga Sangkap:
2 kilo kalabasa (hiniwa)
4 piraso talong (hiniwa
1 tali sitaw (hiniwa)
2 piraso ampalaya (hiniwa)
8 piraso okra (hiniwa)
2 butil bawang dinikdik
1/2 sibuyas (hiniwa)
1/4 kilo baboy (hiniwa)
2 kutsara bagoong alamang
2 tasa tubig
mantika
asin

Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagaay aang karne at sangkutsahin hanggang sa medyo brown na, ilagay ang bagoong at igisa ito sa loob ng 2 minuto. Lagyan ng tubig at pakuluin.
2. Ilagay ang kalabasa at pakuluan hanggang sa malapit ng maging half cooked.
3.Lakasan ang apoy at ilagay ang lahat ng mga gulay at haluing madalas hanggang sa maluto, timplahan ng asin kung kailangan saka patayin ang apoy.
4. Ihain kasama ng kanin. ๐Ÿ˜†





Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.

Thursday, October 24, 2019

Paano Gawin Ang Crispy Talong


Simple lang gawin ito at ang mga batang hindi mahilig sa talong sigurado kakainin ito lalo na kapag masarap ang sawsawan na ihahanda mo๐Ÿ˜€

Mga Sangkap:
3 pirasong talong na katamtaman ang laki
1 piraso itlog (binati) kasama ang 1/4 tasa na tubig
1 tasa harina
1 tasa breadcrumbs o panko
asin at paminta na panimpla
mantika na pagpiprituhan

Paraan ng Pagluluto:
1. Linisin ang talong at hatiin sa gitna pagkatapos ay hatiin ng pahaba para maging sticks.

 2. Pagulungin sa harina pagkatapos ay isawsaw sa itlog at pagulungin sa breadcrumbs.



3. Initin ang mantika at prituhing palubog (deep fry) ang talong.
4. Kapag luto na ay hanguin at ilagay sa paper towel para maalis ang mantika saka ihain kasama ng sawsawan. 

Thursday, October 17, 2019

Paano Magluto Ng Kangkong

Simpleng ulam pero masarap at higit sa lahat masustansya.

Mga sangkap:
  • 2 tali kangkong ( malinis at nagayat na)
  • 2 butil bawang (hiniwa)
  • 2 kutsara toyo
  • 2 kutsara mantika
  • asin at paminta na panimpla
Paraang ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang saka ilagay ang kangkong. Lakasan ang apoy para maganda ang pagkakaluto ng gulay, haluing maigi.
  2. Ilagay ang toyo at timplahan ng asin at paminta, haluin hanggang sa maluto.
  3. Ihain ng nakangiti :-).

Thursday, October 10, 2019

Paano Magluto Ng Monggo





Ang monggo ay isa sa mga kumon na putahe ng gulay sa Pilipinas. Masagana ito sa protina kaya di mo na kailangang sahugan pa ito ng karne, pero mas masarap ito kapag meron :) .

Ingredients:
  • 1 cup monggo
  • 1/4 kilo squash
  • 1 cup slices of eggplant
  • 1 bunch string beans (cut)
  • 1 cup moringa (you can replace this with any green leafy vegetables)
  • 2 cloves garlic (minced)
  • 3 cups water (add if needed)
  • salt to taste
Procedure:
  1.  In a pot , put the monggo and water then boil until tender, set aside (You can use pressure cooker for faster cooking)
  2. In a pan saute the garlic, then add the cooked monggo and simmer for 2 minutes.
  3. Add the squash, eggplant and string beans then simmer until tender.
  4. Add the moringa or any leafy vegetable then season with salt, simmer for few seconds or until done.
  5. Serve it hot. :-) Enjoy your food : )
You can add any meat or fish and also pork crackling (chicharon)

Friday, October 4, 2019

Ginataang Labong At Kalabasa



Ang ginataang labong at kalabasa ay isa mga putahe sa carenderia ng kapatid ko sa Davao na mabiling mabili. Mura na, masarap pa.

Mga sangkap:
  • 1/2 kilo labong (napakuluan na at nasala)
  • 1/4 kilo hipon (malinis na)
  • 1/2 kilo kalabasa (hiniwa)
  • 1 tasa kakang gata
  • 2 tasa ikalawang gata
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 2 tasa saluyot (malinis na)
  • asin ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay sa kaldero ang ikalawang gata at kapag kumulo na ay ilagay ang labong, kalabasa, hipon, asin at sibuyas, hayaang kumulo hanggang sa malapit ng maluto.
  2. Ilagay ang saluyot at pakuluin ito ng 2 minuto saka ilagay ang kakang gata, patayin ang apoy pagkatapos ng 1 minutong kulo.
  3. Ihain habang mainit.
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo bamboo shoots ( boiled and drained)
  • 1/4 kilo shrimps (cleaned)
  • 1/2 kilo squash ( cubed)
  • 1 cup pure coconut milk
  • 2 cups thin coconut milk
  • 1 small onion
  • 2 cups cleaned Nalta Jute
  • salt to taste
Procedure:
  1.  In a pot, put the thin coconut milk, bring to boil then put the boiled bamboo shoots, squash, shrimps, salt and onion then continue cooking until it's almost done.
  2. Put the nalta jute and  simmer for 2 minutes then put the pure coconut milk, simmer for a minute then turn off the heat.
  3. Serve it hot.

Wednesday, July 24, 2019

Paano Magluto Ng Sisig Na Talong



Masarap at madaling lutuin. Naisipan kong gawing sisig ang talong dahil curious lang ako kung pwede ba or kung masarap ba, Well, after cooking napatunayan kong pwede at masarap! Subukan nyo po.

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo talong (hiniwa/diced)
  • 1 kutsara calamansi juice (pwedeng dagdagan ayon sa iyong panlasa)
  • 3 kutsara toyo
  • 1/2 tasa tubig
  • 1 sibuys (hiniwa)
  • 2 butil bawang  (dinikdik)
  • 3 siling haba (hiniwa)
  • asin at paminta ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at sili saka ilagay ang talong, toyo at calamansi, haluing madalas hanggang sa maging half cooked.
  2. Ilagay ang tubig, timplahang maigi at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
  3. Ihain.

Friday, June 28, 2019

Paano Maglaga Ng Okra Para Manatiling Green



Ang okra ay isa sa mga gulay na paborito ko dahil masarap at masustansya. Sagana ang okra sa fiber na nakakatulong sa digestion.
Isang madaling paraan ng pagluluto ng okra ay ang ilaga ito o i-steam.

Mga sangkap:
  • 1/2 kilo Okra (malinis na)
  • 6 tasa tubig
Paraan ng Paghahanda:
  1. Ilagay sa kaldero ang tubig at pakuluin, kapag kumulo na ay ilagay ang okra at pakuluan hanggang sa maluto.Kapag luto na ay hanguin ito agad para hindi malata.
  2. Gumawa ng sawsawan bago ito ihain.
Maraming pwedeng gawing sawsawan para sa okra, gaya ng toyo at calamansi, suka na may paminta at bawang.
Dito sa picture ang nilagay na sawsawan ay katas ng bagoong, nilagyan ng calamansi at pritong bawang, mmmmm sarap!

English Version:
Ingredients:
  • 1/2 kilo okra (cleaned)
  • 6 cups water
Preparation:
  1. Put the water in a pot and bring to a boil, when it is boiling put the okra, and let boil until cooked. Remove from water so that it will not be overcooked.
  2. Make a dipping sauce before serving.

You can make different flavors of dipping sauces for this.

Sunday, June 16, 2019

Paano Gawin Ang Ensaladang Labanos


Isa sa mga gulay na nasa kantang “Bahay Kubo”  ang labanos. Ito ay masarap gawing ensalada at kaining kasabay ng anomang pinirito o inihaw na ulam. Masarap din itong panlagay sa sinigang pero mas gusto ko ito bilang ensalada, at higit sa lahat gusto ko ang radish dahil isa ito sa mga gulay na mababa ang calories pero maraming maidudulot na mabuti sa kalusugan lalo na sa ating digestive system dahil sagana ito sa fiber. Magandang pangdetox.

Mga sangkap:

  • 1/2 kilo labanos ( malinis at hiniwa na)
  • 2 piraso malaking kamatis (hiniwa)
  • 1 piraso maliit na sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka2 kutsara hiniwang dahon ng sibuyas
  • 1 kutsarita asucar
  • sibuyas dahon (hiniwa)
  • asin at paminta panimpla

Paraan ng paggawa:
1. Lagyan ng kaunting asin ang labanos at haluin, pigaing maigi para lumabas ang katas at mabawasan ang matapang na lasa ng labanos. Pagkatapos ng prosesong ito ay paghaluin ang lahat ng mga sangkap at timplahan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.
2. Ihain kasama ng paborito mong ulam na inihaw o prito.

Tuesday, June 4, 2019

How To Make Vegetable Spring Roll


Ang lumpiang gulay o vegetable spring roll ay isa sa mga pinakacommon na handa twing may special na okasyon sa aming pamilya, madali lang itong gawin at  mura pa.
Mga Sangkap:
  • 1 kilo toge
  • 1 repolyo ( hiniwa ng pahaba)
  • 1/4 kilo giniling na karne (kung anong karne ang gusto mong gamitin)
  • 2 carrots ( hiniwa pahaba)
  • 1 sibuyas ( hiniwa)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla
  • 30 piraso pabalat ng lumpia
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling, haluin at gisahing maigi hanggang sa maluto.
  2. Ilagay ang natitirang mga sangkap maliban sa pabalat ng lumpia, timplahan ng asin at paminta.
  3. Ilagay sa colander o salaan para maalis ang sabaw at maiwasang masira ang wrapper.
  4. Kapag malamig na ay balutin ito, at prituhin ng palubog sa mantika.
  5. Ihaing kaulam ng kanin o pangmeryenda.
English Version
Ingredients:
1 kilo  bean sprouts
1 head medium size cabbage (strips)
1/4 kilo ground beef ( or whatever meat you would like to use)
2 medium size carrots ( strips)
1 small onion
3 cloves garlic
salt and pepper to taste
30 Spring roll wrapper

Procedure:
1. Saute the garlic and onion, add the ground beef and simmer for few minutes.
2. Add the rest of the ingredients except the wrapper, simmer until it is cooked. ( do not overcooked).
3. Drain and let it cool.
4. Wrap in the spring roll wrapper and deep fry until golden brown.


5. Serve with rice or as a snack.

Sunday, May 26, 2019

Paano Magluto Ng Adobong Sitaw


Kumon na gulay ang sitaw kaya laging nasa palengke kaya madalas kong lutuin, adobo, ginisa, ginataan o ihalo sa sinigang at iba pa, maraming pwedeng gawing luto sa sitaw, isa na sa pinakakumon ang adobong sitaw at ito ang ibabahagi ko.
Mga Sangkap:
  • 3 tali sitaw (malinis at hiniwa)
  • 200 gramo baboy (hiniwa)
  • 3 kutsara toyo
  • 2 kutsara suka
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at ilagay ang baboy, haluin hanggang sa maging medyo tostado.
  2. Lakasan ang apoy para paglagay ng sitaw manatiling green ang kulay nito hindi parang nalamog. Ilagay ang sitaw at toyo, haluing maigi at huwag takpan, Ilagay ang suka at pakuluin ito, timplahan ng asin at paminta at haluin paminsan minsan hanggang sa maluto.
  3. Ihain ng mainit.
English Version
Ingredients:
  • 3 bunch String Beans ( cut and cleaned)
  • 200 grams pork (sliced)
  • 3 tablespoons soy sauce
  • 2 tablespoons vinegar
  • 3 cloves garlic
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. Saute the garlic then add the pork and continue to saute until brownish.
  2. Increase the heat to high ( to avoid discoloration of the beans) add the string beans and soy sauce then combine well and do not cover, add the vinegar and let simmer, add salt and pepper to taste, stir every now and then until cooked then turn off the heat.
  3. Serve it hot.

Friday, May 24, 2019

Paano Magluto Ng Ginisang Talong



Simple lang at madaling lutuin, di na kailangan ng sahog pero masarap pa rin. Kung mahilig kayo sa karne pwede nyo rin itong sahugan.
Mga sangkap:
  • 1 kilo talong ( hiniwa)
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 1 tasa tubig (dagdagan kung kailangan)
  • 3 kutsara toyo
  • asin at paminta panimpla
Paraan ng pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at ilagay ang talong, haluing maigi at ilagay ang toyo.
  2. Ilagay ang tubig at pakuluin hanggang sa lumambot ang talong, haluing madalas at timplahan ng asin at paminta. Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
  3. Kapag luto na ito ay pwede ng ihain.

Tuesday, May 21, 2019

Ginataang Papaya


Natutunan ko ang lutong ito noong bata pa ako dahil isa ito sa mga iluluto ng tatay ko. Matagal na panahon na akong di nakakain nito kaya nang makakita ako ng papaya ngayon dito sa aming bukid ay nagluto ako. Sana magustuhan nyo ang putaheng ito. Masarap ito.
Mga Sangkap:
  • 1 katamtamang laki papaya (hiniwa)
  • 1/2 tasa kakang gata
  • 2 tasa ikalawang gata
  • 1 sibuyas
  • 1 kutsara tinadtad na luya
  • sahog (kung ano ang gusto mong isahog)
  • 1 tasa malunggay
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kawali ang ikalawang gata, luya, sibuyas, sahog at asin, pakuluin ito saka ilagay ang papaya. Pakuluan hanggang sa lumambot.
  2. Kapag malambot na ang papaya, timplahang maigi, ilagay ang kakang gata at malunggay. Patayin pagkatapos ng isang kulo.
  3. Ihain.

Wednesday, October 31, 2018

How To Cook Asparagus


Asparagus is one of the yummiest vegetables and it is also very easy to cook. It needs only 2 minutes to cook it. Crispy and juicy. Yummy!

Ingredients for 2 servings:

1 bunch asparagus
1 tablespoon butter
salt and pepper to taste

Procedure:

1. Heat the butter then put the asparagus, cook in a medium heat for 2 minutes and season with salt and pepper,  stirring constantly until done.
2. Serve it hot.

Wednesday, March 21, 2018

Monggo with Sotanghoon


Monggo with sotanghon  is a delicious combination of vegetable and cellophane noodles.


Ingredients:
1/4 kilo Mung bean ( monggo)
1/4 kilo shrimps ( you can replace this with fish, pork, etc)
1 cup cubed squash
1 cup sotanghon
4 stalks spring onion ( slice to your desired length)
3 cloves garlic
pork scratchings ( chicharon) optional



Procedure:


1. In a pot boil the monggo until it is soft, then set aside (You can use pressure cooker for faster cooking)
2. In a pan saute the garlic, then add the shrimps
3. Add the squash to saute for a while, then add the cooked monggo, simmer for  few minutes until it is soft.
4. Add the cellophane noodles or sotanghon, simmer until it is done.
5. Turn off the heat and put the pork scratchings (chicharon) and spring onion
6. Serve it hot. :-) Enjoy your food : )




Saturday, February 24, 2018

Sauteed Corn and Spinach



The fresh juicy corn is very delicious to prepare for this dish, mmmmm creamy soup that is perfect to sip during rainy days, combined with fresh spinach that adds freshness to the taste of this delicious vegetable dish.

Ingredients:
2 corn
2 cups spinach ( can be replaced with any green leafy vegetable)
1 onion
1 cup fried fish ( chunks)
salt and pepper to taste 


Procedure:
1. Slice the corn thinly then set aside.

2. Saute the onion, then add the fish.
3. Add the corn and simmer for 2 minutes then add water that's enough to make the corn tender.



4. When the corn is tender add the spinach , salt and pepper to taste, simmer until the spinach is cooked then turn off the heat.



5. Serve it  hot and do not forget to smile :-)

Monday, January 15, 2018

Masarap Na Ginisang Pechay

Ang pechat is isa sa mga pinakacommon na gulay sa Pilipinas. Maraming mga potahe na pwedeng ilagay ang pechay lalo na sa mga may sabaw. Pero masarap din itong igisa tulad nitong niluto ko na madali lang gawin pero masarap.

Mga Sangkap:
1 kilo pechay
1 butil ng bawang (dinikdik)
1 sibuyas(hiniwa ng pino)
2 kutsarang mantika
100g giniling na baboy
250g hipon
asin ayon sa iyong panglasa



Paraan ng pagluluto
1. Igisa ang sibuyas at bawang, saka ilagay ang giniling, sangkutsahing maigi, ilagay ang hipon at haluin, kapag  medyo luto na ang hipon lakasan ang apoy at ilagay ang pechay.
2. Lagyan ng asin ayon sa iyong panglasa, haluin hanggang sa maluto.
3. Hanguin at ihain.

Pwedeng lagyan ng paminta.

Search This Blog