Ang Panko ay isang uri ng Japanese breadcrumbs, binibigkas ito bilang "pangko" maputi at malalaki ang butil nito. Kapag ito ang ginamit na coating sa mga piniritong karne, lamang dagat at kahit gulay ay napapaganda nito ang texture ng mga pinirito, mas maganda ito kaysa harina lang na coating. Malutong at hindi masyadong sumisipsip ng mantika.
Kahit sa Japan nag originate ang Panko, maiiconsider na rin itong common na sangkap sa mga lutong Pinoy na ulam lalo na kapag mga pinirito. Madaling mabili sa mga supermarkets. Isa ako sa mga humahanga sa Panko, kaya dito sa blog ko marami akong recipe na ginamitan ng Panko, sana magustuhan nyo.
Mga potahe na may Panko