Nakakain na po ba kayo ng marang? Ang marang ay isang uri ng prutas na katutubo sa Borneo, Palawan at Mindanao, ako bilang taga Mindanao (Davao) ang marang ay isa sa mga paborito kong prutas dahil sagana ito sa amin sa mga buwan ng Agosto hanggang Oktubre, kasabay ng mga rambutan, lansones, mangosteen at durian. Mas gusto ko ito kapag hindi sobra ang pagkahinog at malalaki ang laman katulad ng nasa larawan, mabango at masarap ang marang.
Artocarpus odoratissimus ang scientific name ng marang, bukod sa Pilipinas, mayroon ding marang sa Thailand, Malaysia, Brunei, Indonesia at sa ilang bahagi ng India.
Masustansya rin ang Marang, dahil bawat 100 gramo ng laman mayroon itong 17mg na calcium, 35mg ng phosphorus, 2,1 mg ng iron at 30mg ng Bitamina C.
Sa mga nakakain na ng marang ano ang masasabi nyo sa prutas na ito? Sa mga di pa nakakain, tikman nyo na po.