Friday, March 13, 2020

Sinangag Na May Itlog Ng Pugo




Sa araw-araw hindi maiiwasang may tirang kanin o bahaw, minsan nauuwi na lang sa tapon dahil tumitigas na o napapanis, pero kung ibig nating walang masayang dapat gawan natin ng paraan paano sumarap ang bahaw. Ang pagsasangag ng kanin ay isa sa pinakakumon na paraan para maging masarap ang kaning lamig. May iba-t ibang mga sangkap na pwedeng ilagay sa sinangag, pero ito ang aking naisip ngayon, itlog ng pugo😃


Mga sangkap:
3 tasa bahaw o kaning lamig (hiwahiwalay na)
1 piraso carrot ( ginayat )
1 tasa green peas
2 butil ng bawang (dinikdik at pino)
12 piraso nilagang itlog ng pugo (wala ng balat)
asin ayon sa iyong panlasa
mantika

Paraan ng Pagluluto:

1. Igisa ang bawang at ilagay ang carrots, gisahin sa loob ng 1 minuto.
2. Ilagay ang kanin haluing madalas sa loob ng 5 minuto,timplahan ng asin at idagdag ang natitirang mga sangkap at ituloy ang pagluluto sa loob ng 2 minuto at haluing madalas upang hindi matutong.
3. Ihain kasama ng paborito mong ulam 😃

No comments:

Post a Comment