Tuesday, March 17, 2020

Paano Magsangag Ng Kanin Na Masarap



Araw-araw hindi maiiwasang may natitirang kanin o bahaw. Madalas kapag bahaw na ayaw ng kainin lalo na ng mga bata, pero kapag isinangag ito tiyak pag aagawan. Maraming iba't ibang sangkap ang pwedeng ilagay sa sinangag pero itong ibabahagi ko, simple lang  at common pero masarap.


Mga sangkap:

3 tasa kanin ( bahaw, pinaghiwalay na)
3 sliced ham (hiniwa ng maliliit)
1 malaking itlog (pinirito at hiniwa ng maliliit)
2 butil ng bawang (dinikdik)
1/2 tasa mais
1/2 tasa ginayat na carrots
1/2 tasa green peas
asin ayon sa iyong panlasa
mantika

Paraan ng Pagluluto:

1. Igisa ang bawang, ilagay ang ham at haluin ito sa loob ng 1 minuto, saka ilagay ang kanin, haluing madalas sa loob ng 5 minuto sa katamtamang init ng apoy.
2. Ilagay ang lahat ng mga sangkap at timplahan ng asin, haluin ito at patayin ang apoy pagkatapos ng 2 minuto.
3. Ihain kasama ng paborito mong ulam. 😀

No comments:

Post a Comment

Search This Blog