Isa sa pinakamasarap na lamang dagat ang talaba, malinamnam at sagana sa calcium at bitamina A, mababa din ang calories ng talaba. Sa Pilipinas mayroong talaba festival ang bayan ng Sibugay, Zamboanga at Alaminos, Pangasinan. Mayroong iba't ibang paraan ng pagluluto nito gaya ng kilawin, ginisa, steamed, baked, inihaw, at marami pang iba. Ang ibabahagi ko ngayon ay kung paano ito i-bake.
Mga Sangkap:
10 piraso talaba
1 tasa cream cheese
1 1/2 tasa ginayat na keso
1 sibuyas hiniwa ng pino
2 kutsara carrots hiniwa ng pino
2 kutsara dahon ng sibuyas hiniwa ng pino
Paraan ng Pagluluto:
1. Maglagay ng 8 tasa ng tubig sa kaldero, kapag kumulo na ito ilagay ang talaba at pakuluan ng 5 minuto o hanggang sa maluto ito, karamihan sa talaba ay bumubuka kapag luto na. Kapag luto na ay hanguin ito at palamigin. Kapag malamig na ay buksan ito sa pamamagitan ng pag alis ng isang bahagi ng shell.
2. Sa pagawa ng palaman para sa talaba ay paghaluin ang 1/2 tasa ng keso, cream cheese, carrots, sibuyas at dahon ng sibuyas.
3. Gamitin ang natirang ginayat na keso pangbudbud sa ibawbaw ng napalamanang talaba.
4. Painitin ang oven sa 210 degrees celcius sa loob ng 10 minuto, pagkatapos nito ay ilagay ang talaba at lutuin sa loob ng 7 minuto, o hanggang sa maging maganda na ang kulay ng pagkaka-bake nito.
5.Ihain ng may ngiti sa iyong labi 😃.
No comments:
Post a Comment