Friday, March 6, 2020

Paano Lutuin Ang Puso Ng Manok


Ang puso ng manok ay hindi gaanong binibigyan ng pansin, pero kung alam mo paano ito ihanda, masarap ang puso ng manok. Sa bansang Brasil isa ito sa mga parte ng manok na common gamitin bilang inihaw sa paraan nila na ang tawag ay "churrasco". Sa mga restaurant ay siniserve din ito sa mga a la cart. Ang paraan na maluto ito ng madali ay sa kawali. Pero kung may oras kayo pwede rin itong ilagay sa barbecue stick saka iihaw. Sa susunod ilalagay ko dito kung paano ang inihaw nito.

Mga sangkap:
1/2 kilo puso ng manok (malinis na)
2 buo sibuyas -hiniwa
asin ayon sa iyong panlasa
mantika

Paraan ng pagluluto:
1. Initin ang mantika, kapag mainit na ilagay ang puso ng manok, lakasan ang apoy at haluing madalas para pantay ang pagkakaluto, parang isasangag mo lang ang puso ng manok kaya maganda malakas ang apoy para hindi magtutubig, kapag half cooked na ay ilagay ang sibuyas at timplahan ng asin.
2. Ituloy ang pagsangag sa malakas na apoy hanggang maluto ito.
3. Ihain.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog