Kapag mga handaan na biglaan lang, itong macaroons ang naiisip ko kaagad para sa dessert dahil napakadali lang gawin. Sa recipe na ito ay sapat na ang 24 pirasong maliliit na paper cups.
Mga Sangkap:
100 Grams dessicated coconut
1 tasa gatas condensada
1 piraso itlog
Paraan ng Pagluluto:
1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at haluing maigi. Ilagay ang mixture sa paper cups.
2. Painitin muna ang oven sa loob ng 10 minuto sa temperaturang 180C. Pagkatapos nito ay ipasok ang macaroons at lutuin sa loob ng 10 minuto.
3. Alisin sa oven at palamigin, pwede ng kainin o ibenta 😄
No comments:
Post a Comment