Maraming paraan paano lutuin ang karne ng baka, pero para sa akin madali lang lutuin yong igigisa mo lang sya sa sibuyas at toyo,masarap dahil tuyo ang pagkakaluto.
Mga sangkap:
1/2 kilo karne ng baka(hiniwa)
3 butil ng bawang (dinikdik)
2 buong sibuyas (hiniwa)
3 kutsara toyo
asin ayon sa iyong panlasa
paminta durog ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang baka sa bawang saka haluing maigi hanggang sa maalis ang kulay pula ng karne.
2. Ilagay ang toyo at paminta, haluing maigi at timplahan ng asin kung kailangan, lutuin sa katamtamang init ng apoy hanggang sa lumambot. Pwedeng lagyan ng tubig kung medyo matigas ang karne, siguraduhin lang na matutuyo ito hanggang sa lumambot para hindi mawawala ang lasa.
3. Kapag malapit ng maluto ang karne ay lakasan ang apoy at ilagay ang sibuyas saka haluin madalas hanggang sa maluto ito.
4.Ihain kasama ang kanin.
Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla nasa sa inyo na po yon.
The best na part ng baka ang gamitin dito ay tenderloin para malambot.
No comments:
Post a Comment