Friday, May 17, 2024

Ginisang Ampalaya Na May Hipon at Itlog




Ang ampalaya ay isa sa mga gulay na ayaw ng karamihan dahil sa lasa nito na mapait, pero kahit mapait ito marami itong magandang maidudulot sa ating kalusugan dahil ito ay sagana sa antioxidant at mga bitamina na kailangan ng ating katawan. Kaya kumain na tayo ng ampalaya mga kabayan.


Mga sangkap:

1/2 kilo ampalaya
200 grams hipon
2 itlog (binati)
1 maliit sibuyas (hiniwa)
asin ayon sa iyong panlasa
mantika panggisa

Paraan ng Pagluluto:

1. Linisin ang ampalaya sa pamamagitan ng paghati nito at alisin ang buto, kapag nalinis na ay hiwain ito ayon sa kapal na ibig mo.


2.Igisa ang sibuyas at kapag medyo brown na ay ilagay ang hipon at gisahin saka ilagay ang ampalaya at gisahin ito hanggang sa maging half cooked saka lagyan ng panimpla at haluin.
3. Lakasan ang apoy at ilagay ang binating itlog at haluing maigi. Kapag luto na ang itlog ay patayin ang apoy at pwede ng ihain ang masarap na ampalaya😀

Tips: Magandang lutuin ito sa malakas na apoy at hindi takpan ang kaldero habang niluluto para maiwasang magtubig at hindi lalong pumait.


















No comments:

Post a Comment