Wednesday, December 11, 2019

Paano Gawing Perfect Ang Lechon sa Oven


Kitang kita sa larawang ito na kaakit akit ang balat ng baboy. Niluto ko lang ito sa oven, sa paraan na magiging malambot sya, yong sinasabi nila sa English na "it melts in your mouth" super crsipy ang balat pero super lambot ang karne, perfect!!!!

Mga sangkap:
2 kilo tiyan ng baboy
asin at paminta na panimpla


Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahang maigi ng paminta at asin ang karne.
2. Ilagay ang temperatura ng oven sa 130༌C at ipasok ang karne na nakalagay sa baking pan at lutuin ito sa loob ng 3 horas, oo 3 horas, siguradong malambot ito, yong matutunaw sa bibig mo kapag sinubo mo.😃
3. Pagkatapos ng 3 horas ilagay ang temperatura sa 200༌C at ituloy ang pagluluto sa loob ng 8-10 minuto o hanggang sa maging malutong ang balat tulad ng nasa larawan.


Ang oras at temperatura na nilagay ko dito ay base sa oven na gamit ko. Pakicheck na lang din kapag sinubukan nyo ito, kung hindi sapat ang 3 horas pwedeng iadjust  ang oras ng pagluluto hanggang sa maging perfect  ang finish product.

2 comments:

Search This Blog