Monday, October 14, 2019

Pork Adobo (Pata Tim Style)



Sorry mga kabayan kung mataba ang karne, yan kasi gusto ng mga pamangkin ko, ayaw nila sa laman :D .
Mga Sangkap
  • 1 kilo liempo ng baboy (hiniwa)
  • 1 tasa suka
  • 1/2 tasa toyo
  • 1 tasa Coke (dagdagan kung kailangan)
  • 1/2 kutsarita pamintang buo
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 3 laurel dahon
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang, ilagay ang baboy at sangkutsahing maigi.
  2. Ilagay ang toyo, suka, paminta at laurel, takpan hanggang sa kumulo saka haluing maigi, at hayaang kumulo ito ng 2 minuto saka ilagay ang Coke. Takpan at pakuluan ang karne hanggang sa lumambot at haluin paminsan-minsan.
  3. Kapag malambot na, lakasan at apoy at patuyuin ang sabaw kung marami pa para lumapot ito at lalong sumarap.
  4. Ihain kasama ng kanin.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog