Ang sago ay isa sa mga sangkap na madalas gamitin sa mga panghimagas na putahe, kadalasan sa mga kaibigan ko o followers ng blog ko ay nagtatanong sa akin paano lutuin ang sago dahil nahihirapan sila, dahil matagal maluto, kaya nais kong ibahagi ang aking paraan sa pagluluto nito, para makatipid sa oras at gas.
Madali lang ang pagluluto ng sago, una mag-init ng tubig , sa kalahating kilo (1/2 kilo) na sago ay
5 -6 litro na tubig ang gamitin.
Kapag kumulo na ang tubig ay ilagay ang sago at haluin maigi para di magdikit-dikit, pakuluan sa katamtamang init ng apoy sa loob ny 10-15 minuto habang hinahalo paminsan minsan. Pagkalipas ng 15 minuto ay patayin na ang apoy at takpang maigi para tuloy tuloy na maluto ang sago, hayaan ng ganito sa loob ng isang oras o higit pa.
Kaya ako kapag nagluluto ako ng sago salad, sa gabi ko pinapakuluan ang sago at hinahayaan ko lang syang nakababad sa caldero magdamag pagkatapos kong mapakuluan. Napakaganda ng resulta, transparent at nakatubo na.
Pagkatapos ng prosesong ito ay hugasan na ang sago para maalis ang sobrang lagkit na texture.
Ready na para gamitin sa salad or anomang putahe na paglalagyan mo.
No comments:
Post a Comment