Ito ang basic na recipe ng puto, kapag alam mo ito gawin, pwede ka ng gumawa ng iba't ibang flavor base sa recipe na ito, dahil flavor na lang ang idadagdag mo. Sana kabayan sa pamamagitan ng recipe na ito ay magkaroon ka ng pagkakakitaan. 😄
Mga Sangkap:
180 gramo harina
160 gramo asucar puti
10 gramo baking powder
2 tasa fresh milk o evaporada
1 kutsara tinunaw na butter o mantika
1 itlog
Paraan ng Paggawa:
1. Pagsama-samahin ang harina, asucar at baking powder, salain ito, pagkatapos masala ay ilagay ang itlog at gatas, paghaluing mabuti.
2. Ilagay ang butter o mantika at haluing maigi, ilagay sa mga hulmahan ng puto, wag masyadong punuin dahil habang niluluto ang puto, umaalsa ito.
3.I-steam ito ng 10 minuto, kapag luto na ay palamigin ng bahagya bago alisin sa hulmahan at pwede ng ihain.
Mula sa recipe na ito, pwede na kayong gumawa ng iba't ibang flavor.
Mula sa recipe na ito, pwede na kayong gumawa ng iba't ibang flavor.
No comments:
Post a Comment