Saturday, October 19, 2019

Paano Gawin Ang Chicken Roll




Ang chicken roll (chicken cordon bleu)ay isang putaheng madalas siniserve sa mga especial na okasyon, lalo na kung mula sa mga food catering services isa ito sa mga pambato nila, dahil bukod sa presentable ito ay masarap pa. Madali lang itong gawin mga kabayan kaya sana magustuhan nyo ang version kung ito.

Mga sangkap:
2 piraso petso ng manok (chicken breast)
3 hiwa ng ham (hatiin sa gitna)
6 hiwa ng keso kasing laki ng french fries
1 tasa harina
1 tasa bread crumbs o panko
1 piraso itlog
asin
paminta powder


Paraan ng Pagluluto:
1. Hiwain ang petso ng manok na manipis kung magagawa nyong 3 na hiwa katulad ng nasa larawan, kung hindi naman ay pwede na ang hatiin lang ito sa dalawa.



2. Pagkatapos na mahiwa, budburan ng asin at paminta, ipatong ang ham at keso, pagkatapos ay i-roll ito at lagyan ng toothpick para manatiling nakaroll. Pagkatapos ng prosesong ito ay ihanda ang harina, itlog at breadcrumbs dahil isawsaw natin ito bago prituhin.







 3. Batihin ang itlog at lagyan ng 1/2 tasa ng tubig at batihin uli hanggang sa mahalong maigi. Una ilagay sa harina ang nakaroll na manok, pagkatapos ay isawsaw sa binating itlog at pagulungin  sa breadcrumbs.

4. Initin ang mantika at prituhin ang chicken roll sa katamtamang init ng apoy hanggang sa maluto ito. Kapag sobrang init ang apoy, ang resulta ay hilaw sa gitna pero ang labas na bahagi ay mukha ng luto, kaya katamtaman lang dapat ang init ng apoy.


5. Kapag naluto na ay hanguin ito at ilagay sa paper towel para maalis ang sobrang mantika, alisin ang toothpick, saka hiwain at ihain kasama ng iyong paboritong sawsawan.





5 comments: