Tuesday, July 30, 2019

Paano Gawin Ang Bangsilog


Bangsilog is another Filipino combo meal composed of Bangus ( milkfish)  Sinangag(Fried Rice) and Itlog ( Egg).
This is easy to prepare just clean the milkfish, add salt, lime or calamansi juice then fry until golden brown.
Fry the egg, then set aside.
For the fried rice, just saute the garlic then add a cup of rice and stir properly until done.

Arrange the fried milkfish, fried egg and fried rice in a platter and serve with a smile :-).
Bangus = BANG
Sinangag= SI
Itlog=LOG --------->BANGSILOG

Kung may balak kang magtinda ng mga SILOG (tapsilog, longsilog, etc) isama mo na ito sa menu mo o ihain mo sa pamilya mo para masaya :-).

Wednesday, July 24, 2019

Paano Magluto Ng Sisig Na Talong



Masarap at madaling lutuin. Naisipan kong gawing sisig ang talong dahil curious lang ako kung pwede ba or kung masarap ba, Well, after cooking napatunayan kong pwede at masarap! Subukan nyo po.

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo talong (hiniwa/diced)
  • 1 kutsara calamansi juice (pwedeng dagdagan ayon sa iyong panlasa)
  • 3 kutsara toyo
  • 1/2 tasa tubig
  • 1 sibuys (hiniwa)
  • 2 butil bawang  (dinikdik)
  • 3 siling haba (hiniwa)
  • asin at paminta ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at sili saka ilagay ang talong, toyo at calamansi, haluing madalas hanggang sa maging half cooked.
  2. Ilagay ang tubig, timplahang maigi at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
  3. Ihain.

Tuesday, July 23, 2019

How To Cook Pan Grilled Chicken



Si Malley at ako kapag nagluluto gusto naming dalawa yong mabilisan lang at madaling gawin, tulad nitong pan grilled chicken breast.

Mga sangkap:
  •  1 piraso petso ng manok
  • asin at paminta na panimpla
  • 2 kutsara butter o mantika
Paraan ng pagluluto:
  1. Hatiin sa gitna ang petso ng manok.
  2. Timplahan ng asin at paminta.
  3. Initin ang mantika o butter, kapag mainit na ay ilagay ang manok, lakasan ang apoy para ang kulay nya ay parang inihaw,  tulad ng nasa larawan.
  4. Ihain kasama ng kanin o gulay.

English version
Ingredients:
  • 1 chicken breast
  • salt and pepper to taste
  • 2 tablespoons butter or oil
Procedure:

  1. Slice the chicken breast into halves.
  2. Season with salt and pepper.
  3. Heat the oil or butter, when it’s hot put the chicken and increase the heat to pan grilled the chicken, cook it until done like the one in the picture.
  4. Serve with rice or vegetables.

Tuesday, July 16, 2019

Paano Gawin Ang Dangsilog


Maghugas na ng kamay dahil kakain na tayo ng dangsilog. Ang dangsilog ay isa sa mga breakfast combination nating mga Pinoy na binubuo ng danggit, itlog at sinangag, kaya tinawag na dangsilog. Isa ito sa mga mabiling paninda sa mga kainan na nagtitinda ng almusal.

DANG mula sa salitang danggit.
SI mula sa salitang sinangag.
LOG mula sa salitang itlog, combine it together equals DangSiLog.


Madali lang ang paghanda nito mga kababayan, isasangag mo lang ang kanin, magprito ng itlog at danggit, i-assemble sa plato at pwede ng ihain sa mga mahal mo sa buhay.

Friday, July 12, 2019

Paano Gawin Ang Ensaladang Dilis


Mapaparami ang kain mo sa putaheng ito, dahil siguradong gaganahan ka lalo na kapag nakakamay pa.

Mga sangkap:
  • 100G dilis
  • 2 kamatis (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka
  • 1 labanos (hiniwa at piniga)
  • dahon ng sibuyas (hiniwa)
Paraan ng pagluto:

  1. Isangag ang dilis sa kaunting mantika hanggang sa maluto. Hanguin.
  2. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  3. Ihain ng nakangiti

Wednesday, July 10, 2019

How To Cook Pork Chop Easily



Mga sangkap:
  • 2 piraso pork chop
  • asin at paminta na panimpla
  • 1 kutsara katas ng calamansi
  • 2 kutsara butter o mantika
Paraan ng pagluluto:
  1. Timplahan ng calamansi, asin at paminta ang pork chop.
  2. Initin ang mantika o butter, kapag mainit na ay ilagay ang pork chop, lakasan ang apoy para maganda ang kulay ng pork chop kapag naluto na.
  3. Ihain kasama ng kanin o french fries.
English version
Ingredients:
  • 2 pieces pork chop
  • salt and pepper to taste
  • 1 tablespoon lime or calamansi juice
  • 2 tablespoons butter or oil
Procedure:

  1. Season the pork chop with lime, salt and pepper.
  2. Heat the oil or butter, when it’s hot put the pork chop and increase the heat to achieve a nice color when it’s cooked.
  3. Serve with rice or french fries.

Sunday, July 7, 2019

Paano Lutuin Ang Halabos Na Alimasag




Ang halabos ay isang paraan ng pagluluto na pinakasimple at napakadaling gawin dahil iluluto mo lang sa asin ang sangkap. Madalas hinahalabos ay lamang dagat dahil mabilis lang itong maluto tulad ng hipon, alimango, alimasag at mga kauri nito.
Sa paghahalabos ng alimasag, una hugasang maigi ang alimasag at patuluin ang tubig. I lagay sa kawali at lagyan ng asin na sapat para sumarap ang halabos. Lutuin sa malakas na apoy at haluin madalas para maging pantay ang pagkakaluto.
Kapag naluto na ihain ito. Super sarap!

Thursday, July 4, 2019

Paano Magluto Ng Paksiw Na Galunggong


Simpleng luto pero masarap. May mga kaibigan ako ayaw nila ng paksiw, pero para sa akin isa ito sa mga paborito kong putahe ng isda. Madaling lutuin at masarap.
Mga sangkap:
  • 1/2 kilo galunggong
  • 3 piraso siling haba
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • kunting luya (hiniwa)
  • 1/2 tasa suka
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:

  1. Pagsama-samahin sa lutuan ang lahat ng mga sangkap takpan at hayaang kumulo  hanggang sa maluto. Timplahang maigi bago patayin ang apoy.
  2. Ihain.

Tuesday, July 2, 2019

Paano Gawin Ang Buko Salad



Sino ang hindi naglalaway kapag narinig ang salitang buko salad? Marinig ko pa lang ang salitang buko salad, naglalaway na agad ako kasi  isa ito sa mga paborito ko. Lagi itong present sa handaan ng aming pamilya, dahil meron kaming ga puno ng niyog, at madali rin itong gawin.
Mga sangkap:
  • 6 piraso buko ( kinuskos na)
  • 1/2 kilo nata de coco (salain)
  • 3 (290ML) all purpose cream
  • 1 (300ML)condensada
  • 1 pinakamalaking lata Fruit Cocktail (salain)
buko.jpg
Paraang ng paghahanda:
  1. Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
  2. Palamigin bago ihain.
English Version
Ingredients:
  • 6 pieces young coconut (scraped)
  • 1/2 kilo coconut gel (drained)
  • 3 box all purpose cream (290ML)
  • 1 can condense milk (300ML)
  • 1 biggest can fruit cocktail (drained)
Procedure:

  1. Combine all the ingredients and mix well.
  2. Refrigerate before serving.

Monday, July 1, 2019

Shrimp With Soft Drink


Nasubukan mo na bang magluto ng hipon at sinabawan mo ng soft drink? Well, kung hindi pa subukan mo dahil tiyak magugustuhan mo ito, lalo na kung mahilig ka sa medyo matamis na ulam.

Mga sangkap:
  • 1/2 kilo hipon
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 1/2 tasa Sprite,Royal o Coke
  • 2 kutsara toyo
  • dahon ng sibuyas
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang, ilagay ang hipon at haluing maigi.
  2. .Ilagay ang soft drink at toyo, pakuluin ito 5 minuto or hanggang sa maluto ang hipon at haluin paminsan minsan at timplahan ng asin at paminta.
  3. Kapag luto na ay ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain.
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo shrimps
  • 2 cloves garlic (minced)
  • 1/2 cup Sprite, Royal or Coke
  • 2 tablespoons soy sauce
  • spring onion
  • salt and pepper to taste
Preparation:
  1. Saute the garlic then add the shrimps and stir well.
  2. Add the soft drink and soy sauce then simmer for 5 minutes or until the shrimps are cooked, while stirring occasionally then season with salt and pepper.
  3. Garnish with spring onion then serve.


This is very yummy!

Search This Blog