Sunday, June 2, 2019

Paano Lutuin Ang Chicken Afritada





Ang afritada ay isa sa mga sikat na putahe sa Pilipinas, lalo na sa mga special na okasyon. Madaling lutuin at masarap pa.
Mga Sangkap:
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 1 buo sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 kilo manok (hiniwa)
  • 1 pakete tomato sauce (200 grams)
  • 1 tasa tubig
  • 2 piraso carrots ( hiniwa)
  • 2 piraso patatas (hiniwa)
  • 1 pulang bell pepper
  • 1 green bell pepper
  • ilang butil ng pamintang buo
  • asin panimpla
Paraan ng pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas, ilagay ang manok at sangkutsaing maigi.
  2. Ilagay ang tomato sauce at ituloy ang pagsangkutsa sa loob ng 5 minuto.
  3. Ilagay ang tubig at pakuluin saka ilagay ang carrots, patatas, paminta at bell pepper, hayaang kumulo hanggang sa maluto at haluin paminsan minsan.
  4. Timplahang maigi bago ihain.

English Version
Ingredients:
  • 2 cloves garlic (minced)
  • 1 onion ((minced)
  • 1/2 kilo chicken (sliced)
  • 1 pack tomato sauce (200 grams)
  • 1 cup water
  • 2 carrots ( sliced)
  • 2 potato  (sliced)
  • 1 red bell pepper
  • 1 green bell pepper
  • peppercorn according to your taste
  • salt according to your taste
Preparation:
  1. Saute the garlic and onion, add the chicken and continue sauteing until the pinkish color of the meat is gone.
  2. Add the tomato sauce and simmer for 5 minutes, stirring occasionally.
  3. Add the water and bring to a boil then add the carrots, potatoes, peppercorn and bell pepper, let simmer until it is cooked , while stirring occasionally.
  4. Season well before serving.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog