Mula noong bata pa ako ay gustong gusto ko na itong grape seaweed o lato kung tawagin namin (Davao). Hinuhugasan itong maigi saka tinitimplahan kapag kakainin agad, pero kung hindi kakainin agad mas maganda kung gagawa ka lang ng sawsawan nito para manatili syang fresh, dahil pagnababad sa suka ng matagal at pumuputok sya.
Mga Sangkap:
- 2 tasa lato (hugasang maigi)
- 2 kamatis (hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1/2 tasa suka
- asin panimpla
- Pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap at haluing maigi.
- Ihain kasama ng paborito mong ulam.
Ingredients:
- 2 cups grape seaweeds (cleaned well)
- 2 tomato (sliced)
- 1 onion (sliced)
- 1/2 cup vinegar
- salt to taste
- Combine all the ingredients and mix well.
- Serve with your favorite viand.
thanks
ReplyDelete