May mga pagkakataon na ang asawa ko ayaw kumain ng palin rice lang kaya nagrerequest sya ng sinangag. Isa ito sa mga paborito nyang sinangag ang beef fried rice. Madali lang itong gawin at hindi magastos.
Mga sangkap:
- 100 gramo baka (hiwain ng maninipis)
- 2 tasa kanin (hiwahiwalay na)
- 2 itlog (binati)
- 2 butil bawang (dinikdik)
- asin panimpla
- 3 kutsara mantika
- Igisa ang bawang, ilagay ang baka at sangkutsaing mabuti. Pagluto na ay iisangtabi ito.
- Sa isang kawali ay mag init ng kaunting mantika, ilagay ang itlog at haluing mabilis para hindi magbuo-buo, ilagay ang kanin at haluing maigi.
- Ilagay ang ginisang baka, haluing maigi at timplahan ng asin kung kailangan. Ituloy ang pagsangag hanggang sa maluto ito.
- Ihain habang mainit pa.
Ingredients:
- 100 grams beef ( sliced thinly)
- 2 cups rice (cooked and crumbled)
- 2 egg (beaten)
- 2 cloves garlic (minced)
- salt to season
- 3 tablespoons oil
- Saute the garlic then add the beef, saute until cooked and set aside.
- In another pan, heat an oil then add the egg, give a good stir to have. nice texture to the egg, then add the rice and stir well.
- Add the beef and mix well, add salt if necessary, continue the cooking until done.
- Serve it hot.
No comments:
Post a Comment