Sunday, June 16, 2019

How To Cook Sirloin Steak


Kapag mga ganitong putahe na ang binabanggit, ang iniisip natin sa restaurant na kakain para masarap at  special, pero ang totoo napakadaling ihanda ang steak, di mo na kailangang pumunta pa sa restaurant para makakain ng mga ganyang putahe. Bumili ka na lang ng kalahating kilo ng rump steak or sirloin at ikaw na ang magluto, samahan mo ng pang side dish para masaya.

Mga sangkap:
  • 2 hiwa ng sirloin na may kapal na 2.5 sentimetro
  • asin at paminta na panimpla
  • 2 kutsara mantikilya
Paraan ng Pagluluto:
  1. Timplahan ang karne ng asin at paminta.
  2. Ilagay sa kawali ang mantikilya, kapag mainit na ay ilagay ang karne at lutuin ito sa loob ng 5 minuto o hanggang sa maging luto ayon sa iyong gusto, baliktarin paminsan minsan para pantay ang pagkakaluto nito. Lagyan ng asin at paminta bago ito hanguin.
  3. Kapag luto na ay maari na itong ihain kasama ng kanin o kung anoman ang gusto mong kapares nito.
English Version
Ingredients:
  • 2 slices sirloin around 2.5 cm in thickness
  • salt and pepper to taste
  • 2 tablespoon butter
Procedure:

  1. Season the sirloin with salt and pepper.
  2. In a pan heat the butter then put the sirloin and cook for 5 minutes or until it is cooked to your desired doneness, turning each side so that it will be cooked evenly. Season again with salt and pepper if needed before serving.
  3. Serve with rice or any side dish that you like.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog