Thursday, May 23, 2019

Paano Magluto Ng Lechon Kawali




Ang lechon kawali ay isang putahe na maituturing kong special dahil masarap at katakamtakam. Hindi ka mapapahiya sa handaan kung ito ang ihahain mo dahil siguradong magugustuhan ito.
Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo liempo ng baboy
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 2 kutsara katas ng calamansi
  • asin at paminta panimpla
  • tubig (pantay sa karne)
  • mantika na pagpipirituhan
Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay sa kaldero ang liempo, bawang, sibuyas, asin, paminta at tubig. Pakuluan ito hanggang sa lumambot. Timplahang maigi.
  2. Hanguin kapag malambot na at patuluin ang tubig. Kapag nakatulo na ilagay ang katas ng calamansi at lagyan ng asin at paminta kung kailangan.
  3. Prituhin ito hanggang sa maging golden brown, hiwain at ihain.
English Version
Ingredients:
  • 1/2 Kilos pork belly
  • 1 onion (sliced)
  • 2 cloves garlic
  • 2 tablespoons calamansi or lime juice
  • salt and pepper to taste
  • water ( level with the meat)
  • oil for frying
Procedure:

  1. In pot put all the ingredients except for the lemon juice. Bring to a boil, then simmer until the pork is tender. Make sure that the salt and pepper is enough to flavor the meat.
  2. Remove from the water and set aside to drain the water. Sprinkle with lemon juice, season with salt and pepper.
  3. Heat the oil then deep fry until golden brown, slice into bite size then serve.

No comments:

Post a Comment