Wednesday, May 22, 2019

Paano Magluto ng Ginisang Manok


Simple lang ang recipe na ito at napakadaling lutuin pero super sarap. Paborito ko ang pakpak ng manok kaya ito ang ginamit ko, pero pwede namang gamitin ang ibang parte ng manok sa recipe na ito.
Mga Sangkap:
  • 1 kilo manok ( kung anong parte ang gusto mo)
  • 4 kutsara toyo
  • 4 butil bawang (dinikdik)
  • 3 piraso siling haba (hiniwa)
  • 1 kutsaritang hiniwa na luya
  • 1 tasa tubig
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng pagluluto:

1. Igisa ang, luya bawang at sili saka ilagay ang manok.
2. kapag naigisa na ang manok, ilagay ang toyo at takpan hanggang sa kumulo saka haluing maigi.
3. Ilagay ang tubig at hayaang kumulo. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok, timplahan ng paminta at asin. Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla (vetsin, chicken powder, etc) nasa sa inyo na po yon.
4. Kapag luto na ito ay ihain kasama ng kanin at malaking ngiti :).

English Version:

How to Cook Sauteed Chicken

Ingredients:

1 kilo chicken (the part that you like)
4 tablespoons soy sauce
4 cloves garlic (crushed)
3 pieces lady’s finger chili (sliced)
1 teaspoon minced ginger
1 cup water
salt and pepper to taste


Prosecure

1. Saute, ginger, garlic and chili then add the chicken and saute.

2. Add the soy sauce and cover it until it simmers.
3. Add the water and let it simmer. Allow to simmer until chicken is cooked, season with salt and pepper. If you want to improve the taste by adding seasoning powder (MSG, chicken powder, etc) it’s up to you.


4. When it’s cooked serve it with rice and a big smile:).

No comments:

Post a Comment