Sunday, May 26, 2019

Paano Magluto Ng Adobong Bangus


Talagang malikhain ang mga Pinoy pati sa pagluluto, nakakagawa tayo ng mga putahe higit sa nakasanayan ng mga sangkap, tulad ng adobo sanay tayo na baboy at manok ang inaadobo, pero naadobo din natin ang bangus at talaga namang masarap din tulad ng adobong baboy at manok. Subukan nyo po.
Mga Sangkap:
  • 1 bangus (linisin at hiwain)
  • 1/2 tasa suka
  • 1/4 tasa toyo
  • 1/4 tasa tubig
  • 3 butil bawang (dinikdik)
  • 1 onion (hiniwa)
  • 2 dahon laurel
  • asin at paminta na panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay sa kaldero ang bawang at sibuyas, saka ilagay ang isda, suka, toyo, laurel at paminta, takpan ang kaldero at lutuin sa katamtamang init ng apoy, kapag kumulo na hinaan ang apoy at ituloy ang pagluluto hanggang sa maging half cooked na ang isda.
  2. Ilagay ang tubig at pakuluin ito hanggang sa maluto ang isda.
  3. Ihain kasama ng kanin at mag-enjoy.
English Version
Ingredients:
  • 1 milkfish (sliced and cleaned)
  • 1/2 cup vinegar
  • 1/4 cup soy sauce
  • 1/4 cup water
  • 3 cloves garlic (crushed)
  • 1 onion (sliced)
  • 2 pieces laurel/bayleaf
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. In a pan put the onion, garlic then the fish, vinegar, soy sauce, laurel and pepper then cover and cook over medium heat, when boiling, lower the heat then simmer until half cooked.
  2. Add the water and continue cooking until done.
  3. Serve with rice and enjoy.
Be careful in adding salt because there is already soy sauce. You can add the salt towards the end of the cooking, if necessary.

Milkfish is the Philippines national fish.

No comments:

Post a Comment