Tuesday, May 14, 2019

Paano Lutuin Ang Picadillo

Ang Picadillo ay isang putahe na gawa sa giniling at nilalagyan ng tomato sauce o kamatis, karots at patatas. Ang picadillo ng Pilipinas ay halos magkahawig din sa picadillo ng cuba at Mexico, mayroon lang ibang mga sangkap ng pagkakakilanlan nito, ibabahagi ko rin sa susunod ang mga version ng ibang bansa. Mayroong iba't ibang paraan ng pagluluto nito, pero mas ok sa akin ang may kaunting sabaw, tulad ng ibabahagi ko ngayon. Madali lang itong lutuin, maaring nakapagluto ka na nito pero di mo alam na picadillo ang tawag kasi nasanay tayo na tinatawag nating giniling ang putaheng ito.

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo giniling na baka
  • 2 butil bawang (dinikdik)
  • 1 maliit sibuyas (hiniwa)
  • 2 buo patatas ( hiniwa)
  • 1 buo carrot ( hiniwa)
  • 1/2 tasa green peas (mas maganda ang frozen kaysa nasa lata)
  • 1 pack tomato sauce (200g)
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang giniling. at sangkutsahing maig hanggang sa maalis ang kulay dugo ng giniling.
  2. Ilagay ang tomato sauce at haluing maigi, takpan at hayaang kumulo sa loob ng 5 minuto.
  3. Ilagay ang tubig at pakuluin, ilagay ang patatas at karots saka timplahan, pakuluan hanggang sa maging half cooked ang gulay.
  4. Ilagay ang green peas at patayin ang apoy pagkatapos ng 2 minuto.
  5. Ihain ng nakangiti :-).
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo ground beef
  • 1 small onion )minced)
  • 2 cloves garlic (minced)
  • 2 potatoes (diced)
  • 1 carrot (diced)
  • 1/2 cup frozen green peas
  • 1 pack tomato sauce (200g)
  • salt according to your taste
Preparation:
  1. Saute the garlic and onion, add the ground beef and stir well until the pinkish color is gone.
  2. Add the tomato sauce and give it a good stir, cover and let simmer for 5 minutes.
  3. Add the water and bring to a boil, add the potatoes and carrots then season well, allow to simmer until the vegetables are half cooked.
  4. Add the green peas and turn off the heat after 2 minutes.
  5. Serve with a big smile :-)

1 comment:

  1. Thanks for the recipe. By the way, how much water? Do you drain the water out later? confused on the water requirement, can we skip this step? thanks!

    ReplyDelete

Search This Blog