Friday, May 24, 2019

How To Cook Squid With Coconut Milk


Madali lang lutuin ang ginataang pusit, next time ibahagi ko paano magluto ng pusit na adobo sa gata, itong ibabahagi ko ngayon ay simpleng ginataan lang. Sa pagluluto ng pusit para hindi makunat dapat 5-8 minuto lang, kapag lumampas jan ay kukunat na sya kapag pinakuluan mo ng matagal.

Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo pusit (malinis na)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kutsara tinadtad na luya
  • 1 tasa kakang gata (pwedeng gumamit ng mga nakalatang gata)
  • 2 dahon laurel
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang luya at sibuyas saka ilagay ang pusit at laurel, timplahan ng asin at haluing maigi. Takpan at lutuin sa katmtamang init ng apoy sa loob ng 5 minuto.
  2. Ilagay ang gata at patayin pagkatapos ng isang kulo.
  3. Ihain kasama ng kanin.
English Version
Ingredients:
  • 1/2 kilo squid (well cleaned)
  • 1 onion (minced)
  • 1 tablespoon chopped ginger
  • 1 cup pure coconut milk (you can use bottled coconut milk)
  • 2 bay leaves
  • salt to taste
Procedure:
  1. Saute the ginger and onion then add the squid and bay leaves, season with salt and give a good stir. Cover and let simmer for 5 minutes while stirring occasionally.
  2. Add the coconut milk and turn off the heat after a boil.
  3. Serve with rice.

No comments:

Post a Comment