Isa sa mga parte ng manok na paborito ko ay ang atay, Kumakain din nito si Malley (asawa ko) kapag wala ng iba ( laughing) but I always convince him to eat because it is nutritious, high in iron that can help in preventing anemia, at marami pang iba't ibang uri ng bitamina ang makukuha dito (vitamins B12, A, B6) at marami pang iba. Kaya kumain na tayo ng atay ayon sa pangangailngan ng ating kalusugan.
Mga sangkap:
- 1 kilo atay ng manok
- 4 kutsara toyo
- luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
- 1 sibuyas (hiniwa)
- 1 pulang bell pepper (hiniwa)
- 1 tali sibuyas dahon (hiniwa)
- 3 butil ng bawang (dinikdik)
- asin at paminta na panimpla
- Igisa ang luya, bawang at sibuyas, ilagay ang atay at igisa sa loob ng 5 minuto o hanggang sa lumabas ang katas ng atay.
- Ilagay ang toyo at bell pepper, haluing maigi at timplahan ng asin at paminta. Takpan at ituloy ang pagluluto sa mahinang apoy hanggang sa matapos saka ilagay ang dahon ng sibuyas at patayin ang apoy.
- Ihain kasama ng kanin.
Ingredients:
- 4 kilos chicken liver
- 4 tablespoons soy sauce
- thumb size ginger ( sliced into strips)
- 1 onion (sliced)
- 1 red bell pepper
- 1 bunch spring onion
- salt and pepper to taste
- Saute ginger, garlic and onion, add the liver then simmer for 5 minutes.
- Add the soy sauce and bell pepper, mix well then season with salt and pepper. Cover and continue to cook in low heat until it is done, put the spring onion then turn off the heat.
- Serve with rice.
Naka 4 kilos po yung English version
ReplyDelete