Natutunan ko ang lutong ito noong bata pa ako dahil isa ito sa mga iluluto ng tatay ko. Matagal na panahon na akong di nakakain nito kaya nang makakita ako ng papaya ngayon dito sa aming bukid ay nagluto ako. Sana magustuhan nyo ang putaheng ito. Masarap ito.
Mga Sangkap:
- 1 katamtamang laki papaya (hiniwa)
- 1/2 tasa kakang gata
- 2 tasa ikalawang gata
- 1 sibuyas
- 1 kutsara tinadtad na luya
- sahog (kung ano ang gusto mong isahog)
- 1 tasa malunggay
- asin panimpla
- Ilagay sa kawali ang ikalawang gata, luya, sibuyas, sahog at asin, pakuluin ito saka ilagay ang papaya. Pakuluan hanggang sa lumambot.
- Kapag malambot na ang papaya, timplahang maigi, ilagay ang kakang gata at malunggay. Patayin pagkatapos ng isang kulo.
- Ihain.
No comments:
Post a Comment