Tuesday, January 16, 2018

Ginisang Tahong

Isa sa mga lamang dagat na mayaman sa protina at omega 3 ay ang tahong, bukod sa masarap ay madali pang lutuin. Kahit simpleng luto lang dito ay masarap na, tulad nito.

Mga sangkap:
1 kilong laman ng tahong
1 sibuyas ( hiniwa ng pino)
3 butil ng bawang (dinikdik)
2 kutsarang butter o mantika
1 kutsarang luya (strips)
asin at paminta ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang at luya hanggang medyo matusta saka idagdag ang sibuyas at ituloy ang pagigisa hanggang sa lumambot.
2. Ilagay ang tahong at patakan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa at haluing maigi, takpan at hayaang kumulo ng 5 minuto o hanggang sa maluto.
3. Hanguin at ihain na mainit. :-) 

Pwedeng lagyan ng dahon ng sibuyas kapag ihahain na.


Para maalis ang laman ng tahong, ay pakuluan ang buong tahong at kapag naluto na ay isa isang alisin ang laman.

No comments:

Post a Comment