Ang kangkong ay masustansya at masarap, madali pang lutuin, kaya sabayan ninyo akong lutuin ito.
Mga Sangkap
2 tali kangkong ( himayin at hugasang maigi)
2 kutsarang patis or toyo
1 sibuyas (hiniwa)
5 butil ng bawang ( pinitpit at hiniwa)
1 kamatis ( hiniwa)
asin at paminta ayon sa iyong panlasa
Paraan ng pagluto:
1. Gisahin ang bawang hanggang maging brown at kumuha ng kaunti para ilagay sa ibabaw pagnaluto n aang kangkong.
2. Idagdag sa pagisa ang sibuyas at kamatis hanggang sa lumambot, lakasan ang apoy saka ilagay ang kangkong, haluing maigi at ilagay ang patis o toyo, timplahan ng asin at paminta, haluin hanggang sa maluto.
3. Ihain kasama ang kanin.
This looking so healthy and yummy will try for sure, thank you for sharing this recipe i will try this soon. i love the green veggies.
ReplyDeletecatering indianapolis
Sinubukan po namin yung Recipes ninyo. Sarap po.
ReplyDelete