Masarap na masustansya pa, kaya subukan nyo na ang potaheng ito. Mga sangkap: 2 Tali kangkong 2 Kamatis 1 sibuyas 2 tablespoons calamansi Juice Asin ayon sa iyong panglasa Pamintang durog ayon sa iyong panlasa Paraan ng Pagluluto: 1. Linisin ang kangkong, magpakulo ng tubig at kapag kulong-kulo na ilagay ang kangkong at pagklipas ng ilang segundo ay hanguin, ilagay sa isang tabi para tumulo ang tubig. 2. Hiwain ang kamatis at sibuyas ayon sa iyong ibig, paghaluin ang lahat ng mga sangkap.Pwedeng budburan ng hiniwang dahon ng sibuyas kung ibig mo. 3. Ihain na may pagmamahal :-).
Wow panibagong ensalada pwede pla un... Galing! Salamat. Try ko maya po ito!
ReplyDelete