Wednesday, January 28, 2015
Ensaladang Kangkong
Masarap na masustansya pa, kaya subukan nyo na ang potaheng ito.
Mga sangkap:
2 Tali kangkong
2 Kamatis
1 sibuyas
2 tablespoons calamansi Juice
Asin ayon sa iyong panglasa
Pamintang durog ayon sa iyong panlasa
Paraan ng Pagluluto:
1. Linisin ang kangkong, magpakulo ng tubig at kapag kulong-kulo na ilagay ang kangkong at pagklipas ng ilang segundo ay hanguin, ilagay sa isang tabi para tumulo ang tubig.
2. Hiwain ang kamatis at sibuyas ayon sa iyong ibig, paghaluin ang lahat ng mga sangkap.Pwedeng budburan ng hiniwang dahon ng sibuyas kung ibig mo.
3. Ihain na may pagmamahal :-).
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wow panibagong ensalada pwede pla un... Galing! Salamat. Try ko maya po ito!
ReplyDelete