Friday, January 17, 2014

Ginataang Sitaw at Kalabasa

Napakakumon na potahe sa araw araw ang gulay n aito dahil masagana ang kalabasa at sitaw sa mga palengke kaya di ka na mahirapang maghana pa ng mga sangkap, bukod sa masarap na masustansya pa. Di ko na lalagyan ng sukat at mga sangkap dahil depende na lang sa iyo kung gaano karami ang lulutuin mo.

Mga Sangkap:
kalabasa
sitaw
Hipon
hindi purong gata ( ikalawang piga)
purong gata ( unang piga)
luya
sibuyas
asin


kalabasa at sitaw
Paraan ng Pagluto:
1. Pagsamahin ang gata, luya, sibuyas, hipon at asin, pakuluin ito sa katamtamang init ng apoy.
2. Kapag kumulo na ilagay ang kalaba at pakuluan ng 2 minutos, saka ilagay ang sitaw, haluin at pakuluin hanggang sa maluto, maaring dagdagan ang asin ayon ssa iyong panlasa, ilagay ang  purong gata at hayaang kumulo ng isang minuto saka patayin ang appoy.
3. Ihain ng may ngiti sa inyong mga labi :-).






No comments:

Post a Comment

Search This Blog