Wednesday, November 6, 2013

Ginataang Puso ng Saging

Isa sa masasarap na luto para sa puso ng saging ay gataan ito, bumili ako ng isang niyog at pinakayod ko kaya masarap na masarap ito dahil natural ang gata. Paborito ko ito mula pa noong bata pa ako dahil madalas naming ulam ito sa bukid.Ganito niluluto ng Nana ko.

 Ingredients:
1 puso ng saging ( banana blossom)
1/4 kilo shrimps ( cleaned ans de-shelled)
1 cup thick coconut milk (kakang gata)
2 cups thin coconut milk ( ikalawang piga)
1 onion
salt to taste
thumb size ginger
sili



banana blossom
Procedure:
1. Alisin ang matigas na balat ng puso hanggang sa puti na lang at malambot ang matira.
2. Hiwain ito ayon sa iyong gustong lapad o nipis, pagkatapos ay lagyan ng asin haluing maigi at pigaan hanggang lumabas ang katas, upang hindi pumait.
3. Sa kaldero ay ilagay ang ikalawang gata,sili,luya, hipon, at sibuyas, hintayin hanggang sa kumulo habang hinahalo madalas para di maging buo-buo ang gata, kapag kumulo na ilagay ang puso ng saging at lutuin ito hanggang sa lumambot.
4. Kapag malambot na ilagay ang kakang gata, timplahan at pakuluin ng isang minuto saka patayin ang apoy.
5. Hanguin, lagyan ng dahon ng sibuyas at ihain.





No comments:

Post a Comment