Wednesday, July 17, 2013

Champorado

Serve with tuyo





Noong bata pa ako karaniwang almusal namin ang champorado lalo na kung maulan ang panahon kaya naging paborito ko ito lalo na kapag maraming gatas at katamtaman lang ang tamis. Madali namang lutuin ang champorado at ito ang ibabahagi ko ngayon.

Mga Sangkap:
1/2  cup malagkit na bigas
1/2  cup ordinaryong bigas
8 cups water ( dagdagan kung kailangan)
1/2 cup chocolate powder
asukal ( depende sa iyong panlasa)
evaporated milk (depende sa iyong panlasa)

Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang bigas at hugasang mabuti, ilagay sa kaldero kasama ng tubig at pakuluin ito. Kapag nagsimula ng kumulo, haluin paminsan minsan upang huwag dumikit, lutuin hanggang sa lumambot.
2. Kung luto na ihalo ang chocolate powder at haluing maigi at patuloy na pakuluan hanggang maabsorb ng kanin ang kulay ng chocolate.
3. Ilagay sa mga mangkok  lagyan ng gatas at asukal , haluing maigi saka ihain.

latest

Pwede ring ilagay ang chocolate powder habang pinapalambot ang kanin para maabsorb ng kanin ang kulay.


For English Version:
Ingredients: 
1/2 cup glutinous rice
1/2 cup ordinary rice
8 cups water
1/2 cup chocolate powder
sugar (according to your taste)
evaporated milk (according to your taste)

Procedure:
1. Mix the rice and wash it then put in a pot together wih the water and bring to a boil. When it is boiling, stir occasionally so that it will not stick at the bottom of the pot. Cook until the rice is very popped or tender.
2. Add the chocolate powder and mix thoroughly and continue to boil until the rice absorb the color of chocolate.
3. Put in the bowls put the milk and sugar, mix thoroughly then serve.


If glutinous rice is not available, it's ok to use the ordinary rice.

2 comments:

Search This Blog