Ingredients:
1/2 kilo tuwalya ng baka (pinalambot at hiniwa)
2 cups labong (strips)( pakuluan at salain para hindi mapait)
1/2 cup luya ( strips)
3 cloves garlic
2 tablespoons toyo
1 onion
1 cup water
1/2 teaspoon atsuete powder
asin
paminta powder
sili
tuwalya ng baka ( beef tripe) |
Labong (bamboo shoot) |
Ginger and beef tripe |
Procedure:
1.Igisa ang bawang at luya saka sibuyas kapag medyo brown na ang lahat ilagay ang tuwalya ng baka, toyo, atsuete powder, asin at paminta, sangkutsahing maigi at hayaang kumulo ng mga ilang minuto.
2. Ilagay ang tubig at hayaang kumulo at haluin paminsan minsam.
3. Ilagay ang labong at haluing maigi, hayaang kumulo hanggang sa matapos, ilagay ang sili.
4. Ihain kasama ng kanin.
I love labong yum yum! :)
ReplyDeleteplease let me know how deodorize beef tripe.
ReplyDelete