Monday, September 3, 2012

Ampalaya na may Itlog


Isa sa pinakasimpleng potahe na mailuluto sa ampalaya ay lagyan lang ito ng itlog, kahit walang sahog na karne, masarap pa rin ang ganitong luto sa ampalaya. Mas madalas itong ihain kapag almusal, pero para sa akin kahit tanghalian at hapunan pwede ito :) . Ikaw kailan mo ito gustong kainin? Ngayon na? O ano pang hinihintay mo, simulan na nating lutuin.

Mga sangkap:
1/2 kilo ampalaya
3 itlog
1 sibuyas
asin


Paraan ng pagluluto:
1. Gisahin ang sibuyas at ilagay ang ampalaya, haluing maigi  sa loob isa o dalawang minuto.
2. Ilagay ang asin at itlog,  haluing maigi, hayaan ng mga ilang minuto pero haluin paminsan minsan hanggang sa maluto.
3. Ihain kasama ng kanin.

No comments:

Post a Comment

Search This Blog