Tuesday, May 21, 2024

Paano Lutuin ang Halabos na Alimasag





Ang halabos ay isang paraan ng pagluluto na pinakasimple at napakadaling gawin dahil iluluto mo lang sa asin ang sangkap. Madalas hinahalabos ay lamang dagat dahil mabilis lang itong maluto tulad ng hipon, alimango, alimasag at mga kauri nito.

Sa paghahalabos ng alimasag, una hugasang maigi ang alimasag at patuluin ang tubig. I lagay sa kawali at lagyan ng asin na sapat para sumarap ang halabos. Lutuin sa malakas na apoy at haluin madalas para maging pantay ang pagkakaluto.

Kapag naluto na ihain ito. Super sarap! Ganyan lang kadali!

Sunday, May 19, 2024

Ensaladang Baguio Beans



Malutong at manamis namis ang ensaladang Baguio beans.

Mga sangkap:
1/2 kilo Baguio beans (malinis at hiniwa)
1/4 kilo maliliit na camatis (hinati sa gitna)
2 kutsara katas ng calamansi
1 sibuyas (hiniwa)
Tubig
asin at paminta na panimpla

Paraan ng pagluluto:
1. Magpakulo ng tubig sa caldero at ilagay ang beans, lutuin ito sa loob ng 5 minuto o hanggang sa lumambot pero di malata. Hanguin at hugasan para maiwasang malata at patuluin ang tubig.
2. Sa malaking bowl paghaluing maigi ang beans, sibuyas, camatis, calamansi, asin at paminta. Pwede ng ihain pagkatapos.


Friday, May 17, 2024

Ginisang Ampalaya Na May Hipon at Itlog




Ang ampalaya ay isa sa mga gulay na ayaw ng karamihan dahil sa lasa nito na mapait, pero kahit mapait ito marami itong magandang maidudulot sa ating kalusugan dahil ito ay sagana sa antioxidant at mga bitamina na kailangan ng ating katawan. Kaya kumain na tayo ng ampalaya mga kabayan.


Mga sangkap:

1/2 kilo ampalaya
200 grams hipon
2 itlog (binati)
1 maliit sibuyas (hiniwa)
asin ayon sa iyong panlasa
mantika panggisa

Paraan ng Pagluluto:

1. Linisin ang ampalaya sa pamamagitan ng paghati nito at alisin ang buto, kapag nalinis na ay hiwain ito ayon sa kapal na ibig mo.


2.Igisa ang sibuyas at kapag medyo brown na ay ilagay ang hipon at gisahin saka ilagay ang ampalaya at gisahin ito hanggang sa maging half cooked saka lagyan ng panimpla at haluin.
3. Lakasan ang apoy at ilagay ang binating itlog at haluing maigi. Kapag luto na ang itlog ay patayin ang apoy at pwede ng ihain ang masarap na ampalaya😀

Tips: Magandang lutuin ito sa malakas na apoy at hindi takpan ang kaldero habang niluluto para maiwasang magtubig at hindi lalong pumait.


















Thursday, May 16, 2024

Paano Magluto Ng Tinolang Tahong


Masarap talaga ang sabaw ng tinolang tahong lalo na kung mainit pa. Higop na.

Mga sangkap:

1 kilo tahong ( hugasang maigi)
1 litro tubig
100 gramo luya (hiniwa)
1 piraso kamatis (hiniwa)
1 tali dahon ng sibuyas
mantika panggisa
asin panimpla

Paraan ng pagluluto:

Gisahin ang luya at kamatis saka ilagay ang tahong, gisahing  maigi at takpan, hayaang kumatas .
Ilagay ang tubig at hayaang kumulo, timplahan ng asin o anomang panimpla ang gusto nyong idagdag at hayaang kumulo ng ilang minuto.
Kapag luto na ay ilagay ang dahon ng sibuyas at ihain.

English Version:

Ingredients:

1 kilo mussels
1 litre water
100 gramsginger ( cut into strips)
1 piece onion ) sliced)
1 bunch spring onion
oil for sauteing
salt to taste




Procedure:
1. Saute the ginger and tomato then add the mussels and stir well. then cover until the juices of the mussels come out.
2. Add water and bring to a boil and season with salt. Let simmer until done.
3. Add the spring onion then serve it hot.

Wednesday, May 15, 2024

Paano Magluto ng Sago



Ang sago ay isa sa mga sangkap na madalas gamitin sa mga panghimagas na putahe, kadalasan sa mga kaibigan ko o followers ng blog ko ay nagtatanong sa akin paano lutuin ang sago dahil nahihirapan sila, dahil matagal maluto, kaya nais kong ibahagi ang aking paraan sa pagluluto nito, para makatipid sa oras at gas.

Madali lang ang pagluluto ng sago, una mag-init ng tubig , sa kalahating kilo (1/2 kilo) na sago ay
 5 -6 litro na tubig ang gamitin.

Kapag kumulo na ang tubig ay ilagay ang sago at haluin maigi para di magdikit-dikit, pakuluan sa katamtamang init ng apoy sa loob ny 10-15 minuto habang hinahalo paminsan minsan. Pagkalipas ng 15 minuto ay patayin na ang apoy at takpang maigi para tuloy tuloy na maluto ang sago, hayaan ng ganito sa loob ng isang oras o higit pa.

Kaya ako kapag nagluluto ako ng sago salad, sa gabi ko pinapakuluan ang sago at hinahayaan ko lang syang nakababad sa caldero magdamag pagkatapos kong mapakuluan. Napakaganda ng resulta, transparent at nakatubo na.

Pagkatapos ng prosesong ito ay hugasan na ang sago para maalis ang sobrang lagkit na texture.
Ready na para gamitin sa salad or anomang putahe na paglalagyan mo.

Tuesday, June 27, 2023

Paano Gawin Ang Ensaladang Pipino



Ang ensaladang pipino ay madaling gawin at abot kaya pero masustansya, masarap kaulam ng mga inihaw at pritong carne o gulay.


Mga sangkap:


1 kilo pipino (hiniwa)
3 buong kamatis (hiniwa)
2 sibuyas (hiniwa)
1/2 tasa suka
pamintang durog ayon sa iyong panlasa
asin ayon sa iyong panlasa


Paraan ng paghahanda:

1. Sa malaking bowl, pagsamasamahin ang lahat ng sangkap, paghaluing maigi at timplahin ayon sa iyong panglasa.
2. Ihain ng nakangiti :-).
Pwedeng lagyan ng asukal ayon sa iyong panlasa para mabalanse ang asim ng suka.


Tuesday, June 14, 2022

Mushroom Omelette


Mula bata pa ako paborito ko na talaga ang kabute kaya marami akong iba't ibang paraan para lutuin ito, at itong omelette ang madalas kong gawin dahil madali lang lutuin at masarap pa.
Mga sangkap:
  • 3 piraso itlog (binati)
  • 6 piraso kabute (hiniwa)
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 2 sibuyas dahon (hiniwa)
  • asin at paminta panimpla
Paraan ng pagluluto:
  1. Igisa ang sibuyas at kabute, timplahan ng asin at paminta, haluin hanggang sa maluto. Itabi.
  2. Sa isang kawali mag init ng mantika na sapat makapagluto ng omelet. Kapag mainit na ilagay ang binating itlog, kapag half cooked na ilagay ang ginisang kabute at dahon ng sibuyas, tupiin ang magkabilang dulo ng omelet  para di makita ang palaman.
  3. Baliktarin ng dahan dahan para di masira, hanguin kapag luto na.
  4. Ihain habang mainit.
English Version
Ingredients:
  • 3 eggs (beaten)
  • 6 pieces button mushroom (sliced)
  • 1 onion (sliced)
  • 2 sprigs spring onion (sliced)
  • salt and pepper to taste
Procedure:
  1. Saute the onion and mushrooms, stir well until done. Set aside.
  2. In a pan heat an oil that is enough to cook the omelette, if it is already hot, put the beaten egg, when it is half cooked put the sautéd mushroom, then fold both ends towards the center to cover the filling.
  3. Flip slowly to cook the other side, then remove from heat when done.
  4. Serve hot.
You can garnish it.

Search This Blog