Friday, June 14, 2019

Paano Magluto Ng Tinolang Bangus

Natikman nyo na ba ang tinolang bangus? Kung hindi pa, magluto ka na kabayan at sigurdong magugustuhan mo ito.

Mga sangkap:
  • 2 piraso bangus (hiniwa)
  • 8 tasa tubig
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 2 kamatis (hiniwa)
  • luya kasing laki ng hinlalaki (hiniwa)
  • 1 tasa malunggay
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang sibuyas, luya, kamatis, bangus at lagyan ng asin, takpan at lutuin sa mahinang apoy. Kapag medyo luto na ang isda, ilagay ang tubig at lakasan ang apoy at pakuluan ang isda hanggang sa maluto.
  2. Timplahang maigi at ilagay ang malunggay at patayin ang apoy.
  3. Ihain kasama ng kanin. Ang sarap!

No comments:

Post a Comment