Saturday, June 8, 2019

Paano Magluto Ng Sinigang Na Hipon




Ang Sinigang ay isang uri ng putahe na may sabaw at maraming pwedeng gamitin dito bilang base na sangkap pero ang ibabahagi ko ngayon ay sinigang na hipon. Masarap talaga ang sinigang mapatag-araw o tag-ulan man. Kung nag aaral ka pa lang magluto, subukan mo ito, napakadali lang gawin.Dinagdagan ko ito ng kabuti (mushroom) para lalong sumarap.
Mga Sangkap:
  • 1/2 kilo hipon
  • 1 sibuyas (hiniwa)
  • 1 kamatis (hiniwa)
  • 200 gramo kabuti
  • 40G sinigang  mix
  • 8 tasa tubig
  • 1 tali kangkong
  • asin panimpla
Paraan ng Pagluluto:

  1. Ilagay sa kaldero ang tubig, sibuyas, kamatis at kabuti, pakuluin ng 10 minuto.
  2. Ilagay ang labanos at hipon, pakuluan sa  loob ng 2 minuto, timplahan ng asin, ilagay ang kangkong at ituloy ang pagpapakulo sa loob ng 30 segundo.
  3. Ilagay ang sinigang mix, haluing maigi at patayin ang apoy pagkatapos ng isang kulo.
  4. Ihain habang mainit pa.

6 comments:

Search This Blog