Thursday, June 13, 2019

Paano Magluto Ng Minatamis Na Saging


Ang minatamis na saging ay masarap na panghimagas o pangmerienda. Pwede rin itong ihalo sa halo-halo o gawing banana con yelo. Sa pagluluto nito pwede ring asukal na brown o panutsa ang gamitin mo.
Mga sangkap:
  • 6 piraso saging na saba (hiniwa)
  • 3/4 tasa asukal puti
  • 1 1/2 tasa tubig
Paraan ng Pagluluto:
  1. Ilagay ang asukal sa kawali, tunawin ito hanggang sa medyo brown na ang kulay nito, ilagay ang tubig at pakuluin hanggang sa malusaw ang asukal.
  2. Ilagay ang saging at lutuin sa katamtamang init ng apoy, haluin paminsan minsan hanggang sa maluto.
  3. Kapag luto na, ihain ito bilang panghimagas o pangmerienda.
English Version
Ingredients
  • 6 pieces banana ( saba)
  • 3/4 cup white sugar
  • 1 1/2  cup water
Procedure:

  1. Put the sugar in a pan, melt it until brownish in color , then put the water and let boil until the sugar is dissolved.
  2. Add the banana and let simmer over low heat until cooked while stirring every now and then.
  3. When it is done, remove from heat. Serve it as a snack or a dessert.

No comments:

Post a Comment